Budgeting para sa mga ina (Part 2)
3. Isang bagay na naobserbahan ko sa ibang bansa, madalang na nagkokotse sila patungo sa paaralan upang ihatid ang mga anak. Although mas safe kasi ang mga daan nila roon, at mas disiplinado ang mga tao sa pagsunod sa mga batas trapiko kaya hindi nakakatakot magbisikleta o maglakad papuntang paaralan. Pero dahil hindi naman adÂvisable ang ganitong set-up sa Pinas, siguro ay maipapayo ko na lamang ang tamang pag-eskedyul ng oras ng alis para hindi magastos sa gas. O kaya naman ay makipag-carpool sa mga kaklase ng bata. Malaki ang masi-save sa ganitong paraan.
4. Turuan ang anak na mag-share. Kahit pa masagana ang buhay ninyo at kaya n’yong bilhan ng tig-iisang laruan ang mga anak, mabuting value na ituro sa mga bata ang pagsasalo -- hindi lamang sa pagkain, kundi maging sa mga materyal na bagay. Madadala nila ito sa kanilang paglaki. Kapag mayroon sila, lalo na kung sobra-sobra ay hindi sila mag-aatubiling magbigay sa kapwa.
5. Maghiraman ng laruan. Alam n’yo bang mayroon “toy library†sa New Zealand? Imbis na bumili ng bumili ng laruan ang mga magulang, hinihikayat silang maging miyembro ng Toy Library kung saan maaari silang humiram ng iba’t ibang educational toys at maging DVDs. Hindi lamang nababawasan ang paglilinis ng mga magulang sa laging makakalat na kuwarto ng mga anak, kundi malaki rin ang natitipid. Sa atin namang mga Pinoy, kung binabalak n’yong mag-asawa ang mag-anak pa, itabi ninyo nang maayos ang mga laruan ng inyong mga anak para hindi na kailangang bumili pa kapag dumating ang pinaka-bagong miyembro ng pamilya.
6. Kumain nang sabay-sabay. Kapag dumating ang iyong anak sa edad na maÂaari na siyang makiupo sa hapag at kumain ng table food, simulan na siyang isabay sa inyo sa pagkain — pati na rin ang pagpapakain sa kanya ng parehong kinakain ninyo.
Oras at salapi ang nasesave dito dahil hindi na kailangan pang maghanda ng espesyal na pagkain para sa bata, at natututo pa siyang kumain ng iba’t ibang pagkain.
Gayundin ay para hindi lumaking pihikan ang bata.
Aba masarap kayang kumain kung may kasabay, lalo na kung buong pamilya ang kasalo.
(Itutuloy)
- Latest