Lampong (287)
NAPAPANGITI si Tanggol sa takbo ng mga pangyayari. Nagkukuwento siya ng kanyang personal na karanasan at tiyak na magkukuwento rin si Jinky. At ang isa pang ikinatutuwa niya, hindi nakakahalata si Jinky. Walang kamalay-malay na ang kausap niya ay si Dick. Talaga kayang hindi siya nahahalata ni Jinky? Ang alam niya, madaling makahalata si Jinky.
“Awang-awa nga ako sa siyota ng babaing kilala ko. Ang bait pa naman ng lalaki pero nagawang lokohin ng siyota niya. Nagpakasal din sa mayaman at matandang lalaki. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa lalaki. Kasi noon ay talagang nagalit siya sa dating nobya.’’
“Baka nag-asawa na ang lalaking iyon, Jinky.â€
“Ewan ko. Ang bait pa naman ng lalaking iyon.’’
Napapangiti si Tanggol. Gusto niyang sabihin kay Jinky na siya ang lalaking iyon. Narito sa tabi niya ang lalaking iyon.
“E ikaw ano ang ginawa mo nang malaman mong nagtaksil ang iyong siyota?†Tanong ni Jinky habang nakatitig kay Tanggol. Iniiwas naman ni Tanggol ang mukha. Baka mahalata siya ni Jinky.
“Wala akong ginawa. Noong una, hindi ko matanggap at gusto ko gumanti pero naisip ko, sasayangin ko lang ang buhay sa babaing walang kuwenta. Hinayaan ko na lang na ang langit ang humusga at magparusa sa babaing iyon. At nabalitaan ko, namatay ang babae. Siguro karma ang tumama sa kanya…’’
Nakatingin pa rin si Jinky pero iniiwas ni Tanggol ang mukha.
“Ano pang nangyari sa buhay mo, Tanggol pagkaraan nang masakalap na pangyayari?â€
“Hindi na ako umibig. Ipinangako ko na hindi na muna ako makikipagrelasyon. Tama na muna ang isang kabiguan. At naipangako ko magpapahaba ako ng buhok habang pinagagaling ang sugat sa aking puso.’’
“A kaya pala long hair ka. Teka, tunay ba iyan o wig lang? Pahipo nga ng buhok mo, Tanggol. Gusto kong makatiyak kung totoo nga ‘yan…â€
Pinagpawisan si Tanggol. Mabibisto yata siya.
(Itutuloy)
- Latest