^

Punto Mo

Isang pagsubok

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang panahon noon sa Russia na hinuhuli at ikinukulong ang mga taong sumasampalataya sa Diyos o mga Kristiyano. Isang araw ay biglang sinugod ng tatlong sundalong Ruso ang isang bahay kung saan idinadaos ang lihim na prayer meeting ng mga Kristiyano.

Lihim ang pagtitipong iyon ng mga Kristiyano kaya nagulat­ sila nang bigla na lang bumulaga sa kanilang harapan ang tatlong sundalo. Habang nakatutok sa mga Kristiyano ang mahahabang baril ay nagsalita ang isang sundalo:

“Ang lahat nang taong nakahandang itakwil ang Diyos sa oras na ito ay aming pakakawalan at hahayaang umuwi sa kanilang bahay. Ang magmamatigas na sila ay alagad ng Diyos ay hindi palalabasin ng bahay na ito.”

Isa-isang lumabas ng bahay ang mga tao. Mga one-fourth na lang ng dating dami ang natira sa bahay. Ngumisi ang tatlong sundalo. Sinenyasan ang isang sundalo na ikandado ang mga bintana at pintuan. Sa mahinang boses ay muling nagsalita ang isang sundalo:

“Kristiyano rin kami pero nais naming makatiyak na ang Kristiyanong aming sasamahan ay matibay at matatag ang pananampalataya sa Diyos. Kaisa ninyo kami. Ipagpatuloy natin ang naudlot ninyong panalangin kanina.”

DIYOS

HABANG

IPAGPATULOY

ISA

ISANG

KAISA

KRISTIYANO

KRISTIYANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with