‘Touch-Move’
MAINIT sa mga mata ng mga sindikato ng Chess Gang ang mga bagong saltang indibidwal sa Kamaynilaan. Para sa mga kolokoy na nagkukuta sa lansangan, oportunidad ito para kumita ng pera gamit ang kanilang mga estilo at taktika.
Bitbit ang foldable board, makikita silang nagtutumpukan sa mga foot bridge at gilid ng bangketa para madaling makapang-engganyo ng mga passer by at ‘syanong indibidwal.
Hokus-pokus ng mga kawatan, makikipagpustahan sila sa mga target victim at aakitin na ibibigay nila ang pera sakaling manalo ito sa laro.
Ang chess ay isang strategy board game na nilalaro ng dalawang magkatunggaling amatyur o propesyunal. Dahil naging popular at marami ang tumatangkilik sa larong ito, ginamit na rin nila ito para pagkakitaan sa iligal na paraan!
Iisa ang mekanika nila, ang tinatawag at pinaiiral na“Touch move Rule†sa kabuuan ng laro. Ibig sabihin, ang huling tira ng pyesa o board piece mo ang batayan ng iyong panalo.
Ang siste, sa una, papadamahin ng mga kolokoy ang target victim. Oras na manalo ito, hahamunin ulit nila ang biktima para makabawi naman umano sila sa natalong pera.
At dahil inaasahan ng biktima na mananalo ulit siya sa pangalawang laro, tatanggapin nito ang hamon. Dito, hulog na sa BITAG ng gang ang biktima! Lingid sa kanyang kaalaman, nakapalibot ang mga kakutsaba ng kalaro para i-pressure at pilitin syang tumira ng maling board piece.
Sa puntong ito, asahan nang sunod-sunod ng matatalo ang biktima. At sakali mang pumalag siya sa mga hamon dahil wala ng pera, kukuyugin siya ng gang at pipiliting ipusta ang cell phone, alahas o anumang mahahalagang gamit na dala nito.
Gasgas na itong modus ng mga putok sa buhong myembro ng “Chess Gang.†Pero marami pa rin ang mga nabi-BITAG ng mga sindikato!
All Points Bulletin ng BITAG sa publiko partikular sa mga first-timer sa Maynila, umiwas sa mga tumpukan sa mga gilid-gilid ng kalye upang hindi kayo maisahan at masalisihan!
Manood at makinig sa Bitag Live! sa Radyo 5 at AKSYON TV sa Channel 41 araw-araw. Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.
* * *
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest