^

Punto Mo

Lampong (281)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

A NG silid na tinungo nila ay ang pinagtaguan ni Tanggol noon. Maganda na ang kuwarto. Maliwanag na maliwanag ang nilagay na ilaw. Bago ang sapin ng kama at mayroong dalawang unan.

“Okey na ba ang kuwartong ito, Tanggol.”

“Opo Mam Jinky, okey na ito.”

“Sige lalabas na ako, Tanggol. Kung mayroon kang kailangan, tawagin mo lang ako.”

“Opo Mam.”

Nang akmang lalabas na si Jinky ay may sinabi si Tanggol.

“Mam, maganda po yata na sa may pinto ng kuwarto mo ako magbantay. Kung dito ako sa kuwarto na ito, paano ko maririnig ang mga taong papasok sa bahay.’’

“Ibig mong sabihin, sa may pinto ng kuwarto ko ikaw magbabantay?”

“Opo.”

“Baka lamukin ka, Tanggol. At saka mapupuyat ka.”

“Iyon po ang trabahong pinasok ko kaya paninindigan ko, Mam.”

“Pero saan ka pupuwesto?”

“Ako na po ang bahala Mam. Saan po ba ang kuwarto mo?”

“Nasa second floor.’’
“Puwede ko pong makita?”

“Halika Tanggol.”

Sumunod si Tanggol kay Jinky.

Umakyat sila patungo sa kuwarto ni Jinky.

“Iyong kuwartong nasa gawing kanan ang kuwarto ko.’’

“Tamang-tama po. Doon ako pupuwesto sa may gawing kaliwa para paglingon ko, makikita ko lahat ang aakyat.’’

“Okey lang sa iyo na magbantay buong magdamag, Tanggol.”

“Opo Mam.”

“Baka nabibigla ka Tanggol.”

“Hindi po.”

“Okey, kung yan ang gusto mo, sige. Papasok na ako sa kuwarto ko Tanggol.”

“Sige po Mam. Dito lang po ako magbabantay.”

(Itutuloy)

AKO

HALIKA TANGGOL

JINKY

KUWARTO

MAM

OPO MAM

OPO MAM JINKY

SIGE

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with