Babae, himalang nakaligtas sa ‘Railway killer’
HINDI malilimutan ni Holly Dunn ang gabing iyon ng Agosto 29, 1997. Nag-uusap sila ng kanyang boyfriend na si Chris Maier sa may riles ng tren ilang metro ang layo sa bahay na pinagdarausan ng dinaluhan nilang party. Nang biglang sumulpot ang isang lalaking may hawak na ice pick at hiniÂngan sila ng pera. Ang lalaki ay nakilalang si Angel Rezendiz.
Walang malay sina Holly at Chris na ang lalaki ay anim na tao na ang napapatay ng gabing iyon. Siya ang tinaguriang “Railway Killerâ€.
Tumanggi ang dalawa na magbigay ng pera. At naging mabilis ang pangyayari. Nagawa ni Rezendiz na maigapos ang dalawa. Pinaghiwalay ang mga ito. Unang dinala si Holly sa isang tago at madilim na lugar ng riles. Pagkaraan ay binalikan si Chris at binagsakan ng bato sa ulo. Makaraan iyon, tinungo si Holly at saka ginahasa. Pagkatapos ay binugbog at sinaksak sa leeg. Halos hindi siya makilala. Nakausli ang kanyang mga mata at bali ang panga. Nawalan ng malay si Holly.
Nang magkamalay, nakita niyang wala na si Rezendiz. Kahit hinang-hina, nagawa ni Holly na makagapang sa isang bahay at humingi ng tulong. Dinala siya sa ospital. Nakaligtas siya.
Nang ganap na maka-recover nag-testify siya laban kay Rezendiz. Na-convict si Rezendiz at nahatulan ng kamatayan. Napag-alaman na 15 tao ang napatay ng tinaguriang “Railway Killer†sa loob ng 13 taon. Tanging si Holly Dunn ang nakaligtas. Noong 2006, biÂnitay si Rezendiz. (listverse.com)
- Latest