^

Punto Mo

EDITORYAL - Lumalago raw ang ekonomiya pero daming jobless

Pang-masa

LALAGO pa raw ang ekonomiya ng bansa at magtutuluy-tuloy hanggang 2016. Ngayong 2013, aabot daw sa 6.5 hanggang 7 percent ang pagganda ng kabuhayan. Ito ay ayon sa forecast ng Moody’s Analytics base sa isang report na sinulat ni Glenn Levine, senior economist ng nasabing organisasyon. Uusbong daw ang maraming pagkakakitaan sa bansang ito sapagkat matatag ang merkado. Mula sa 7 percent na pag-angat ng ekonomiya ngayong taon na ito magiging 8 percent ito sa 2016. Kung noon daw ay isa sa mahinang bansa sa Asia, mamamayagpag na raw ang ekonomiya ng Pilipinas sa hinaharap.

Napaka-positibo ng report na ito. Sana nga ay magkaroon ng katuparan at nang mabura ang alinlangan na “drowing’’ lamang ang sinasabing pag-angat ng ekonomiya. Noong nakaraang taon, umangat daw ang ekonomiya ng 6.6 percent. Tuwang-tuwa si President Aquino. Pero taliwas ito sa inihayag naman ng National Statistics Coordination Board (NSCB) kamakailan na sa loob ng anim na taon (mula 2006 hanggang 2012) walang nabago sa buhay ng mga Pilipino. Mahirap pa rin ang nakararaming Pinoy. Marami pa rin ang nabubuhay below the poverty line. Marami pa rin ang walang pagkain sa kanilang hapag at patuloy na mayroong nagugutom.

Hindi maramdaman ng mga karaniwang mamamayan ang sinasabing pag-unlad. Kung umaangat ang ekonomiya, bakit maraming walang trabaho. Bakit ang purchasing power ng peso ay mahina. Karampot ang nabibili ng suweldo at hindi makasapat sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nasaan ang sinasabing bitbit na investment packages sa tuwing darating mula sa pagbisita sa ibang bansa? Nararapat malasap ang sinasabing bunga ng magandang ekonomiya. Kailangang mapatahimik ang nagrerebeldeng bituka.

BAKIT

EKONOMIYA

GLENN LEVINE

KAILANGANG

KARAMPOT

MAHIRAP

MARAMI

NATIONAL STATISTICS COORDINATION BOARD

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with