^

Punto Mo

Lampong (278)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANG tsinelas na nakita ni Jinky ay ang napulot nina Tanggol isang gabing nagronda at nagbantay sila sa kulungan ng itik. Dinala nila sa kubo ang tsinelas. Akala nila ay nawala na ito sapagkat matagal nilang hindi nakita.  Nalaglag pala sa ilalim ng hagdan.

Dinampot ni Tanggol ang tsinelas at binigay kay Jinky.

“Parang nakita ko na ang tsinelas na ito pero hindi ko maalala kung saan. Basta nakita ko na ito,’’ sabi ni Jinky na iniinspeksiyon ang tsinelas. “Saan nanggaling ito, Tanggol?’’

“Nakita po namin ‘yan sa loob ng kulungan. Nakabaon sa putik. Parang naiwan dahil nakabaon nga sa putik. Nagmamadali po ang may-ari niyan.’’

Nag-isip si Jinky. Pinag-aaralan kung ano ang dahilan at naiwan ang tsinelas.

‘‘Ibig sabihin, may taong nakapasok sa kulungan at naiwan niya ito? Pero bakit?’’

“Posible pong may nakapasok na tao, Mam Jinky. At tiyak ko, lalaki po ang may-ari n’yan.’’

‘‘Oo nga. Malaki kasi ang size.’’

“Hindi naman po siguro sa mga babaing tauhan ng itikan ang tsinelas na ito,’’ sabi ni Tanggol.

‘‘Hindi. Ang mga babaing tauhan ay bota ang suot.’’

‘‘Palagay ko Mam Jinky, may taong nakapasok at balak maglagay ng lason,” sabi ni Mulong. “Pero hindi natuloy dahil biglang nagkagulo at nag-ingay ang mga itik. Isa pa pong teorya ko ay yung nahuli naming sawa, ay maaaring pinakawalan sa loob ng kulungan…’’

Napatangu-tango si Jinky. Nag-iisip. Sinulyapang muli ang tsinelas. Pilit na inaalala kung saan niya nakita ang tsinelas.

‘‘Talagang nakita ko na ang tsinelas na ito noon…’’

‘‘Hindi po kaya suot ‘yan ng isang taong naging bisita mo, Mam Jinky?’’ tanong ni Tanggol.

Nag-isip si Jinky. May ina­alala at hinahagilap sa isipan.

“Alam ko na!’’ sabi nito.

“Naalala mo na Mam Jinky?’’

“Oo! Suot ito ng may-ari ng kuhulan. Yung nagbanta sa akin noon. Ito ang suot niya ng gabing magtungo sa bahay!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

JINKY

MAM JINKY

NAKITA

OO

PERO

TANGGOL

TSINELAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with