^

Punto Mo

Mga kakaibang beer: May nakababad na Tarantula at bubuwit

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ALAM n’yo ba na ang bansang may pinaka-masarap na beer ay ang Belgium? Ito ay ayon sa European Beer Awards. Napakasarap umano ng lasa at mahusay ang kalidad ng beer sa Belgium. Pumapangalawa ang Germany at ikatlo ang United States.

Pero alam n’yo rin ba na may beer na hinaluan ng Tarantula at Bubuwit. Yes! Kung ang ibang breweries at manufacturers ay pinasasarap ang kanilang alak sa pamamagitan nang mahusay na pangangalaga at magandang kalidad, mayroon din namang hinahaluan ng kung anu-anong insekto at hayop. At sa maniwala at sa hindi, marami ang bumibili ng mga ganitong klase ng beer.

Kabilang dito ang isang brewery sa Cambodia na gumagawa ng beer na may nakababad na Tarantula. Ang beer ay gawa umano sa bigas. Inilalagay sa botelya ang mga Tarantula at saka ibababad nang matagal sa rice liquor. Mabentang-mabenta sa Cambodia ang beer na may “flavored” Tarantulas.

Sa Korea ay mayroong beer na ang flavor ay baby mouse o mga bubuwit. Gawa rin sa bigas ang beer. Ibababad ang mga bubuwit sa liquor rice sa loob ng isang taon. Napaka-benta raw nito sa Korea.

Sa Netherland ay mayroong beer na tinatawag na Kwispelbier. Isang maliit na brewery lang ang nagpo-produced nito. Ayon sa pagka-advertised ng beer, ito raw ay “a beer for your best friend.” Yes, ito ay beer para sa alagang aso. Ito ay non-alcoholic beer at inimbento ni Gerrie Berendsen. Ginawa raw ito ni Berendsen para ma-refresh ang kanyang mga aso pagkaraan ng maghapong hunting.

AYON

BEER

BERENDSEN

BUBUWIT

EUROPEAN BEER AWARDS

GERRIE BERENDSEN

SA KOREA

SA NETHERLAND

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with