‘Poor’ noon, ‘rich and famous’ ngayon
Tom Cruise
Sa sobrang hirap nina Tom Cruise, naglalagare sa apat na trabaho ang kanyang ina para masuportahan ang buong pamilya. Kadalasan ay kailangan nilang lumipat ng tirahan dahil sa sari-saring trabaho ng kanyang ina. Ang epekto nito kay Tom ay wala siyang nagiging pangmatagalang kaibigan dahil hindi sila nagtatagal sa isang lugar.
Jim Carrey
Natanggal sa trabaho ang kanyang ama kaya kailangan niyang magtrabaho bilang janitor. Pinalayas sila sa inuupahang bahay kaya nanirahan na lang sa trailer park or mobile home. Kahawig ito ng container van na ginawang bahay. Sa American culture, ito ang pinakamurang bahay para sa mga taong nasa “below poverty lineâ€.
Demi Moore
Lumaki siya sa trailer park. Tumigil na siya ng pag-aaral matapos gumradweyt sa high school. Pagkatapos ay pumasok na fashion model. Ito ang naging hagdan niya patungo sa stardom. Ang unang nilabasan niya ay sa teleserye, ang GENERAL HOSPITAL, isang American daytime television medical drama na pinangalanan ng Guinness Book of World Records bilang longest-running American soap opera currently in production.
Kate Winslet
Uso sa mahihirap na Amerikano ang maglagare sa tatlo o apat na trabaho upang maigapang sa kahirapan ang pamilya. Ganoon ang tatay ni Kate kaya bihira na silang magkita na mag-ama. Aktor din ang kanyang ama pero maliliit na role lang ang ginagampanan kaya maliit lang ang kinikita. Bihira si Kate na magkaroon ng bagong damit. Madalas ay luma at galing sa relief goods. May kotse sila pero luma at laging sira.
“I thank fate for having made me born poor. Poverty taught me the true value of the gifts useful to life.â€--Anatole France
- Latest