Lampong (277)
“MASASAMAHAN mo ba uli ako rito, Tanggol?†tanong ni Jinky. Tapos nang magbihis si Jinky. Nakatalikod si Tanggol.
“A e sige po. Pero huwag po muna sa mga darating na araw at baka mayroon na namang mga lasing na magkainteres.’’
“Kaya mo naman akong ipagtanggol, huwag nga lang mapapasarap sa pagtulog sa ilalim ng puno.’’
Napangiti si Tanggol.
“Sorry Mam Jinky. Hindi na po mauulit.’’
“Okey lang Tanggol. Siguro nga kasalanan ko rin. Kasi’y masyado akong palagay ang loob. At siguro nang makita ng dalawang lasing na hubo’t hubad ako, e kinubabawan ng demonyo.’’’
“Opo Mam. Nakita pong wala kang kasaplut-saplot. Talaga pong pag-iinteresan ka.’’
“E kung hindi naman ako maghuhubad e parang hindi ako naligo.’’
“Bakit hindi ka mag-shorts Mam Jinky?â€
“Hindi ako sanay maligo na may damit. Maski noon pa sa Maynila kapag naliligo ako e hubad na hubad ako…masarap maligo na talop na talop.’’
Napatango si Tanggol. Gusto niyang sabihin kay Jinky na alam niya ang mga iyon. Ilang beses na niyang nahuli itong naliligo na walang anumang saplot.
“Basta kapag naligo uli ako rito, e dito ka na sa may pampang. Bantayan mo ako, Tanggol. Okey ba sa’yo?â€
“Okey po.’’
“Salamat. Halika na Tanggol.
Inalalayan ni Tanggol si Mam Jinky.
Nang makarating sila sa bahay ni Jinky, umalis agad si Tanggol matapos makapagpaalam. Ikinuwento naman ni Tanggol kay Mulong ang nangyari sa sapa.
“Hindi kaya gumanti ang dalawang manyakis na iyon, Tanggol?â€
“Nakahanda ako Mulong.â€
ISANG umaga, dumating si Mam Jinky. Kinausap si Tanggol ukol sa paglalagay ng net sa mga kulungan para hindi makain ng mga bayawak. Hanggang sa masulyapan ni Jinky ang isang pares ng tsinelas sa ilalim ng hagdan.
“Kaninong tsinelas ‘yun?’’ (Itutuloy)
- Latest