^

Punto Mo

Balinguyngoy: Madalas kapag mainit ang panahon

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

DAHIL sa nararanasan nating init ng panahon na halos umaabot sa 35-36 degree centigrade, marami ang nakararanas magka-bali-nguyngoy (nosebleed). Bata man o matanda ay nagkakaroon nito.

Madalas makita ang balinguy-ngoy sa mga bata na ugaling ipasok ang mga daliri sa butas ng ilong. Kung nataong mahahaba ang mga kuko ng bata, puwedeng masaktan niya ang mabababaw na ugat ng ilong at mauwi ito sa pagdurugo. Ang ilong natin ay maraming maliliit na ugat na mababaw lang ang kinalalagyan. Kung mabunggo, mahampas, masuntok, o tamaan ng matigas na bagay ang ilong, puwede itong sumabog at magdugo.

May pagkakataon na nasasaktan ang ating mukha pero hindi nagiging madugo ang buong mukha. Ito ay sapagkat hindi tinamaan ang gawing ilong. Maaaring ang nasaktan lamang ay ang panga, pisngi, noo, o iba pang bahagi ng mukha. Magiging madugo lamang ito kung tatamaan ang ilong. “Kierssalbach’s plexus of veins” ang tawag sa kalipunan ng superficial veins na ito sa dakong ilong.

Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagsasabi na dapat ay patingalain ang batang binabalinguyngoy para raw mapigilan ang pagdurugo. Hindi tamang pinapatingala ang sinumang dumaranas ng nosebleeding sapagkat ang mga dugo ay maaaring maipon sa lalamunan at maaaring magdulot ng suffocation. Mahihirapang huminga ang pasyente.

Ganito ang tamang gawin: Payuhan ang taong nagno-nosebleeding na yumuko lamang, itungo ang ulo, at hayaang pumatak ang dugo sa lababo, palanggana, bimpo, tuwalya, o tela. Gamit ang hinlalaki at hintuturo, diinan ang lugar sa ilong na nasa pagitan ng balingusan (mabutong bahagi) at sa malambot na bahagi. Pressure ng pagkakadiin ng daliri ang maaaring makapagpahinto ng pagdurugo. Gawin ito sa loob ng 10-15 minuto, tuluy-tuloy lamang, hanggang sa mapansin nang naampat na ang pagdurugo.

Huwag magpanik kung tumutulo ang dugo. Inaasahan na na-ting papatak talaga ang mga dugong galing sa pumutok na ugat sa loob ng ilong. Kapag naampat na ang pagdurugo, punasan lamang o linisin ang area sa mukha na nalagyan ng dugo. Magpahinga pagkatapos. Kung gustong maglagay ng bolsa de yelo (cold compress) sa ulo, okey lamang. Makatutulong ito sa pagkitid ng mga ugat (vasoconstriction) at sa pag-ampat ng pagdurugo.

Payuhan ang mga bata sa tamang paraan ng paglilinis ng ilong. Ipaalala sa kanila na mahalagang panatilihing maiikli ang mga kuko.

Kung magiging madalas ang atake nito, makabubuti kung sasailalim sa isang laboratory work-up gaya ng CBC (Complete Blood Count), platelet count, clotting time determination, at iba pa. Yun ay para matiyak kung may iba pa bang sanhi ang nosebleeding.

 

BATA

COMPLETE BLOOD COUNT

GAMIT

GANITO

GAWIN

HANGGANG

ILONG

KUNG

PAYUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with