Patron Saint sa makabagong panahon (Last Part)
Saint Caedwalla, Patron Saint of Serial Killers
MANILA, Philippines - Ang tinutukoy dito ay mga killers na nagsisi at nagsisikap baguhin ang kanyang buhay. Big time serial killer si Saint Caedwella dahil mga hari at reyna sa Europe ang kanyang tinatarget upang maagaw niya ang trono. Pero dumating ang pagkakataong nakonsensiya siya, nagsisi ay namuhay nang maayos. Sampung araw makaraang siya ay nagbalik-loob sa Katolisismo, siya ay binawian ng buhay. April 20 ang kanyang feast day.
Saint Monica, Patron Saint of Alcoholics
Hindi siya kailanman naging lasengga, ang mister niyang hindi sumasamba sa Diyos ang alcoholic. Ang masama nito, nananakit ang kanyang asawa kaya siya ay patron saint din ng battered housewives. Anak niya si Saint Augustine na isa rin anak na pasaway at mahilig sumabit sa gulo. Walang sawang nagdasal si Saint Monica para sa pagbabago ng kanyang asawa at anak. Bukod dito ay isa-isa niyang nilalapitan ang mga kakilalang pari upang tulungan siya magdasal para sa anak at asawa. Isang araw ay pumayag na magpa-convert sa Katolisismo ang kanyang mag-ama. August 27 ang kanyang feast day.
Saint Nicholas, Patron Saint of Pawnbrokers
Bukod sa pagiging Santa Claus, ginawa rin siyang patron saint ng pawnbroker. Habang dumadaan sa isang barungbarong si Saint Nicholas ay narinig niyang isasanla ng isang ama ang tatlo niyang anak na dalaga sa prostitution den upang magkapera. Palihim na naghagis ng isang bag na ginto si Saint Nicholas sa loob ng bahay ng mag-aama upang hindi na ituloy ang masamang balak.
- Latest