^

Punto Mo

‘Tatlong itlog’

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NABILI na pala ng tatlong itlog na sina Clyde Fernandez, George Bueno at Romy Castro ang lingguhang intelihensiya ng Quezon City Police District (QCPD) sa halagang P1.2 mil­yon. Kaya kahit umaraw man o bumagyo at pakuya-kuyakoy na lang sa kanyang air-conditioned na opisina si QCPD director Sr. Supt. Richard Albano, walang makakapigil sa pagdating sa kanya ng datung. Get’s n’yo mga kosa? Ang tanong lang, paano nakalap nitong sina Fernandez, Bueno at Castro ang naturang halaga eh kaliwa’t kanan ang bayo sa QCPD ng CIDG at IG? Ayon sa kausap ko sa Camp Crame nagsarahan ang mga peryahan sa Quezon City at ang mga natirang pasugal naman ay kokonti na lang ang kubransa kaya’t next to impossible na ma-raise ng Tatlong Itlog ang naturang halaga kada linggo. Sa anggulong yan mga kosa, pumasok ang isang gambling lord na si Erwin Tan. Putok sa Camp Crame na kasama sa pag-uusap ng Tatlong Itlog kay Albano ang kasunduan na sila ang maglalagay ng bangka ng jueteng sa Quezon City at ‘yan nga ay si Tan. Nangako naman ang Tatlong Itlog na sila na ang bahala kay CIDG director Chief Supt. Frank “Tsunami” Uyami at ng hepe ng IG. Ano ba ‘yan?

Sa tinuran nina Fernandez, Bueno at Castro, ang ibig bang sabihin n’yan e pasok na sila sa CIDG, IG at iba pang unit ng PNP at mga ahensiya ng gobyerno tulad ng NBI at GAB? Sa pagpasok ng Tatlong Itlog, goodbye na lang kay alyas Rocky, ang dating tong kolektor ng QCPD!

Kung sabagay last two men standing na sina Uyami at Dir. Cipriano Querol, ng PNP Directorate for Intelligence (DI) sa giyera laban sa pasugalan sa bansa. Ayon sa mga kausap ko, hindi na nakipag-cooperate ang mga local police officials sa mga raid na isinasagawa ng CIDG at IG. Kapag nagri-raid ang tropa nina Querol at Tsunami sa probinsiya, nagkakaroon sila ng katakut-takot ng problema tulad ng kung saan nila ikukulong ang mga naaresto nila. Di tulad sa Metro Manila na puwede nilang dalhin ang mga naaresto nila sa CIDG headquarters sa Camp Crame. Sa probinsiya? Eh nakikitira na lang nga ang mga provincial CIDG unit sa kampo ng mga Police Regional Offices o PRO kaya’t hindi magamit nina Querol at Tsunami ang mga ito. At kapag me hearing ang kaso? Titiyakin ng mga arresting officers ng CIDG at IG na umatend ng hearing at baka masilipan sila at ma-dismiss pa kapag hindi sila lumutang doon. Get’s n’yo mga kosa? Kaya kahit nakangiti sina Querol at Tsunami sa tagumpay ng kampanya nila sa illegal gambling, may mga nakasimangot ding opisyal ng PNP, lalo na yung tinatamaan ng raid nila.

Nitong nakaraang araw naman ay ni-raid ng CIDG at IG ang bahay sa No. 20 Katipunan St., Calumpang, Marikina City kung saan nirerebisa ang jueteng ng isang alyas Gil Tepang. Walo katao ang nahuli at aabot sa P4,520 cash bets at mga paraphernalia ang nakumpiska. Sinundan ang raid sa isa pang puwesto ni Tepang sa Westpoint St., Cubao kung saan dalawang kabo naman ang nasakote at P1,651 cash bets ang nakumpiska. Ayon sa kausap ko sa Camp Crame itong raid sa puwesto ni Tepang ay para malinis ng Tatlong Itlog ang QCPD ng karibal nila sa negosyo.

AYON

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CIDG

CIPRIANO QUEROL

QUEROL

QUEZON CITY

TATLONG ITLOG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with