Lampong(274)
PATAY na kung patay ang dalawang lasing. Hindi natakot sa banta ni Tanggol.
“Huwag kang pakialemeroh, hik! Papatayin ka namin, hik!†sabi ng isang lasing.
“Hindih kamih natatakot sa’yoh hayup kah, hik!†sabi naman ng isa pa.
“Ah ganun ha! Etong tikman n’yo!â€
Mabilis na inupakan ng palo ni Tanggol ang dalawang lasing. Nagpalit-palit ang hataw ng dalawang kahoy sa katawan ng dalawang lasing.
“Eto pa! Um! Um!â€
Hindi malaman ng dalawang lasing kung saan susuling. Malalakas ang palo na ibinigay ni Tanggol sa dalawa. Naglagatukan ang kahoy sa katawan ng dalawang lasing.
Nakadampot ang isang lasing ng isang kapirasong kahoy at umakmang lalaban kay Tanggol.
“Patay kang pakialamero kah!†sabi at pumalo nang pumalo habang sinusugod si Tanggol. Pero dahil lasing, hindi tumama. Nagkandasubasob sa pagsugod. Inupakan pa nang inupakan ni Tanggol.
“Matigas ka ha, eto pa! Um! Um!â€
Ang isang lasing ay nakadampot ng isang tipak na bato at ihahampas sa nakatalikod na si Tanggol. Pero mabilis na nakasigaw si Jinky at nabigyan ng babala si Tanggol.
“Tanggol sa likod mo!â€
Biglang humarap si Tanggol at hinampas niya ang lasing. Sapol sa mukha. Dumugo. Natigilan. Pati ang isa pang lasing nang makakita ng dugo at natulala.
“Ayaw nyong tumi-gil ha,†sabi ni Tanggol at akmang uupakan pa ang dalawa.
“Huwag po! Huwag po!†sabi ng dalawang lasing.
At saka sa pagkagulat ni Tanggol ay nagkaskasan ng takbo ang mga ito. Nagkandarapa sa pagtakbo.
Hinabol ni Tanggol. Pero hindi na niya inabutan. Nawala na ang kalasingan.
“Huwag na kayong babalik mga manyakis!†sabi ni Tanggol. (Itutuloy)
- Latest