QCPD arangkadaang operasyon!
Nitong mga nakalipas na araw, sunod-sunod ang mala-laking trabaho ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Senior Supt. Richard Albano.
Mula sa ilang nawalang mga bata na naibalik na sa kaniÂlang mga magulang matapos ang malawakang kampanya na isinagawa sa ilalim ng inilunsad ng NCRPO na “Operation Sagip Anghelâ€, aba’y hindi pa rin dito natapos ang kanilang operasyon.
Kamakalawa nasakote ng kanilang tropa ang lalaking dumukot sa paslit na si Lovelio Mendoza Jr., 1-anyos at ibinenta sa isang mag-asawa. Si Lovelio o Buboy ay naibalik na sa kanyang mga magulang.
Natimbog ang suspect na si Anthony Dimalanta, alyas Dennis A. Nabua habang nakaistambay sa panulukan ng Del Monte at Araneta Avenues sa Brgy. Masambong.
Si Nabua ay itinuring na wanted ng QCPD makaraang makita sa CCTV footage ang ginawa niyang pagtangay sa batang si Lovelio.
Ang pagkadakip sa suspect ay dahil na rin sa hindi tumigil ang QCPD sa operasyon bagamat naibalik na ang paslit sa kanyang mga magulang.
Nagpaskil sila at nagpakalat ng larawan ng suspect kuha sa CCTV . Maging ang lahat ng kanilang mobile car may kopya ng mukha nito.
Hindi naman sila nabigo at dahil nga kalat ang itsura ng suspect, nakipagkaisa na rin ang ilang concerned citizen na nagbigay ng tip tungkol sa kinaroroonan nito kaya ito naaresto.
Sa isa pa ring malaking accomplishment ng QCPD, natimbog nila ang apat na big time drug pusher, na nasamsaman nila ng may P250 milyong halaga ng ilegal na droga sa Banawe, kamakalawa pa rin.
Aabot sa 40 kilo ang nakumpiska ng command na high grade shabu kung saan kasabay din sa pagkakadakip sa dalawang Tsinoy at dalawang Pinoy na dawit sa operasyon.
Natuklasan din sa masusing imbestigasyon ang bagong modus ng grupo ng sindikato nakasama sa bentahan ang gamit na sasakyan para nga naman hindi na kailangang ibaba o ilipat ang kontrabando kundi abutan na lang ng susi ng sasakyan ang makikita para desimulado at hindi halata.
Sa dami ng nasamsam na shabu, biruin ninyong ilang buhay ang maaaring sirain o wasakin nito.
Aminado ang QCPD director na talagang malaki ang naitutulong ng publiko o concerned citizen para sa ika-lulutas ng malalaking kaso sa pagbibigay ng impormasyon sa kapulisan.
Katulad din ni NCRPO chief Gen. Leonardo Espina, na talagang tutok sa bawat operation at mga kasong kailangang ma-follow up ng hinahawakang command, mukhang ganito rin si Albano na talagang kailangang may malutas na mga kaso.
Ika nga ng kasabihan ‘ kapag may tiyaga, may nilaga’.
Pero kapag nagtulog sa pansitan, walang kasong ma-lulutas nang ganun-ganun lang.
- Latest