^

Punto Mo

Hihintayin ko ang kumpas ni Roxas

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI lang pala ang gambling lords na si Erwin Tan ang nagbukas ng jueteng sa Quezon City sa kasagsagan ng kampanya ni DILG Sec. Mar Roxas laban sa pasugalan sa bansa. Maging sa Maynila ay nagbukas din pala ng jueteng sina Ernie Buenaventura at Gloria Casasola, ayon sa kausap ko. Ang masama nito, mukhang kinukunsinti ng mga tauhan nina CIDG director Chief Supt. Frank Uyami at ng IG ang jueteng nina Buenaventura at Casasola. Kung sino man ang nag-udyok kina Tan, Buenaventura at Casasola para magnegosyo ng jueteng eh tiyak hindi sila kaibigan nila. Kasi nga, sa kainitan sa ngayon ng kampanya laban sa jueteng at iba pang numbers game, parang nagtatapon lang sila ng pera. Kung sabagay, naka-menos sina Tan, Buenaventura at Casasola sa lingguhang intelihensiya habang abala ang mga taga-CIDG at IG sa paghahabol ng mga lumang bangka. Subalit kapag nabigyan sila ng pansin ni Uyami at IG, tiyak sorry na lang sila dahil mauubos ang pera nila sa intelihensiya, pati na ang tinatawag na goodwill money, di ba mga kosa?

Kung itong jueteng ni Tan ay sarili niya, itong sa Velasquez, Tondo naman ay business venture hindi lang ng Buenaventura, Casasola kundi maging ng mga Tatlonghari. Ang mga pera ng bagong bangka ng jueteng ay galing sa mga kamag-anak nila sa America o di kaya’y involve sila bilang importer ng prutas sa ibang bansa. Ang anak ni Buenaventura ay may tindahan na accessories ng sidecar at motorsiklo. Siguro kumikita sila sa mga negosyo nila, ang hindi ko alam ay kung bakit pumasok pa sila sa illegal na sugal na wala naman silang experience ‘ika nga. Hmmm.

Para sa kaalaman ni Manila Mayor Alfredo Lim, puro sidecar boys ang mga kubrador ng bagong tatag na jueteng sa Tondo. Ang base of operation nila ay sa kanto ng 404 Maria Payo St., at Asuncion St. Subalit kapag mainit ang mga pulis sa kanila, lumilipat ang puwesto sa  kanto ng Padre Herrera at Sto. Cristo kung saan may bilyaran sa ibaba.  Ang pangatlo namang puwesto ay matatagpuan sa dulo ng Velasquez St. Diyan sa tatlong address na yan binobola ang resulta ng bagong tatag ng jueteng, Mayor Lim Sir, my idol. Kapag maraming sidecars sa tapat ng tatlong puwesto, tiyak nagbobola sila ng resulta ng winning combination nila, di ba mga kosa? Hindi maasahan ang bagong upo na commander ng MPD sa katauhan ni St. Supt. Robert Po na habulin ang bagong tatag na jueteng dahil may tali ang mga kamay niya dahil sa OIC palang siya at saka election period sa ngayon. Get’s n’yo mga kosa?

Hinahalughog naman ni Supt. Robert Lee, ang OIC ng intelligence division ng NCRPO ang Quezon City para habulin ang jueteng ni Tan. Para mapagbigyan ang jueteng ni Tan, nagsara ng negosyo niya ang jueteng lord na si Don Ramon. Subalit sinabi ng kausap ko na si Don Ramon ay hindi naglagak ng pondo sa war chest ng isang politician sa Quezon City kaya sinibak siya pabor kay Tan na nagbigay naman. Hihintayin ko ang pagkumpas ni Roxas ng kanyang kamay na bakal laban sa bagong tatag na jueteng sa Manila at Quezon City.’Yan ay kung hindi moro-moro ang kampanya n’ya. May karugtong!

ASUNCION ST. SUBALIT

BUENAVENTURA

CASASOLA

CHIEF SUPT

DON RAMON

ERNIE BUENAVENTURA

JUETENG

QUEZON CITY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with