DOH: Labanan ang dengue
PAULIT-ULIT ang payo ng DOH na umaksyon tayong lahat laban sa dengue. Ang pagsugpo ng dengue ay trabaho ng lahat. Alamin natin ang limang paraan para makaiwas sa dengue.
1. Linisin ang paligid:
— Alisin ang mga naipong tubig sa inyong kapaligiran tulad ng sa lumang gulong, timba, flower vase, bunot ng buko, naipong tubig baha, o mula sa tabing ilog.
— Butasin ang lumang gulong. Itaob ang mga timba at bunot ng buko.
— Maglinis sa labas at loob ng bahay. Tanggalin ang kalat at basura sa bakuran. Nagtatago ang lamok sa madilim na mga sulok.
2. Hanapin at puksain ang lamok:
— Paminsan-minsan, puwedeng mag-spray ng insecticide. Siguraduhin lamang na walang tao sa kuwarto o bahay sa loob ng 2 oras. Huwag mag-spray sa kusina at baka malagyan ng lason ang iyong pagkain.
— Patayin din ang mga lamok na nakapasok sa iyong silid.
3. Protektahan ang sarili:
— Magsuot ng pajama, long pants o long sleeves. Kausapin ang paaralan na payagang mag-long pants ang mga bata.
— Puwedeng maglagay ng OFF lotion sa iba’t ibang parte ng baro, mula ulo hanggang paa. Huwag ipahid ang lotion sa balat at baka mag-allergy ka.
— Isara ang pinto at bintana sa bahay palagi. Kung puwede, maglagay ng screen sa pintuan at bintana.
— Gumamit ng kulambo.
4. Palakasin ang katawan:
— Kumain ng masustansya, mag-ehersisyo at magpahinga nang sapat.
5. Magpatingin sa doktor:
— Alamin ang Dengue Warning Signs. Magpatingin sa doktor kapag masakit ang tiyan,
laging nagsusuka, sobrang panghihina, may pagdurugo sa katawan (bibig, ilong at dumi) at bumababa ang platelet count.
— Paracetamol lang ang ligtas ibigay para sa lagnat. Painumin din ng maraming tubig, lalo na kung may lagnat.
Mag-organisa tayo ng Week ly Clean-up Day. Maglinis ng paÂligid para ma-labanan ang dengue.
- Latest