lalaking paurong kung tumakbo tiniketan ng pulis, sagabal daw sa trapik
NAGULAT si Alex Mesa, 44, nang bigla siyang pahintuin sa pagtakbo ng isang pulis sa Miami, Florida at inisyuhan ng tiket. Ang kanyang violation, sagabal daw sa trapik ang ginagawa niyang pagtakbo. Si Mesa ay tumatakbo nang paurong, taliwas sa nakaugalian nang pagtakbo na pasulong o paabante.
Nagulat si Mesa sa ginawa ng pulis paano’y maraming taon na niyang ginagawa ang pagtakbo ng paurong at wala naman siyang nasasagasaan o nababangga kaya. Maingat na maingat siya sa pagtakbo nang paurong. Sinisiguro niya na wala siyang nasasaktan.
Pero sabi ng pulis, lumilikha raw siya ng obstruction sa trapik. Maari raw tumakbo si Mesa kung ano man ang gusto niyang style pero siguruhin na hindi makakasagabal sa trapiko.
Walang nagawa si Mesa sa pasya ng pulis na tiketan siya.
Pero sa kabila na tiniketan siya, itutuloy pa rin daw niya ang backward running. Ito raw ang nagbibigay sa kanya nang magandang kalusugan. Feel niya, gumagana nang ayos ang kanyang utak, at nagiging magaan ang kanyang pakiramdam.
- Latest