^

Punto Mo

200 marshalls sa rally ni Erap hindi pa nababayaran!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG ang election ay gaganapin sa ngayon, tiyak ilalampaso ni incumbent Manila Mayor Alfredo Lim ang kalabang si Erap Estrada. Ang dahilan? Nagngingitngit ngayon ang 200 katao na ginawang marshall ng kampo ni Erap noong proclamation rally niya sa Liwasang Bonifacio dahil hanggang ngayon hindi pa sila binabayaran. Karamihan sa mga marshall ay security guard, kargador sa pier at vendor na pumalya sa trabaho para kumita nang maganda. Subalit ang ipinangakong P1,000 na bayad sa kanila ng organizer ni Erap na sina Manny Tolentino at Ka Ver, na taga-Pandacan, ay nahipan ng hangin at nawalang parang bula. Ayon sa grupo ni Arnel Ferrer, ng Islang Puting Bato, Parola at BASECO compound, ayos namang kausap sina Tolentino at Ka Ver noong nagpa-praktis pa lang sila bago ang proclamation rally ni Erap dahil inaabutan sila ng tig-P100 at iba pa nga ang bayad sa naturang big event. Nabilad sa araw ang mga marshall mula 8 a.m. hanggang 11 p.m. subalit P1,800 lang ang inabot ng dalawa kay Ferrer na hindi alam kung paano pagkakasyahin sa 200 katao na ni-recruit nya. At sa ngayon, hindi na sumasagot sa tawag sa cell phone nila sina Tolentino at Ka Ver. Kapag hindi kumilos si Erap sa problemang ito ng tropa ni Ferrer, goodbye na lang sa pangarap niya na maging mayor ng Maynila, di ba mga kosa?

Habang nababawasan ang kinang ng magic ni Erap, umaani naman ng pogi points si Lim dahil sa pagkahirang niya kay Sr. Supt. Robert Po, bilang OIC ng MPD. Sa unang command conference ni Po, inutusan niya ang kanyang station commanders at iba pang division heads na ‘wag “maglagay” sa kanya at imbes ay pangalagaan nila ang kapakanan ng mga tauhan nila. ‘Ika nga dapat may libreng kape at mineral water sa mga presinto, lalo na ang desk officers, para maging maganda at presentable ang imahe nila habang tumatanggap ng reklamo ng publiko. Open-secret naman kasi mga kosa na sa panahon ng mga predecessors ni Po, ang station   commanders  at MPD officials ay naglalagay sa hepe nila, at pati na sa mga retired police officials na nakapaligid kay Lim, para kapit-tuko sila sa puwesto nila. At saan babawiin ng station commanders at MPD officials ang nawalang pitsa sa kanila? Eh di sa kalye. ‘Yan ang dahilan kung bakit kaliwa’t kanan ang kasong extortion at iba pang katiwalian na ibinabato sa MPD cops. At dahil kay Po, maaring mabago ang sistema at ang aani ng pogi points ay walang iba kundi si Lim.

Pero para tuloy-tuloy na ang paglinis niya ng MPD, dapat imbestigahan din ni Po si Chief Insp. Olivia Sagaysay, hepe ng Criminal Record and Investigation Division o CRID dahil sa sumbong na mataas na singil sa mga aplikante ng clearance. Sinabi sa sumbong na nagbayad sila ng P100 sa clearance niya subalit ang nakalagay sa resibo ay P20 lamang. Ang P100 ay para sa aplikante na mag-aabroad samantalang ang P20 ay para sa domestic na gamit lamang. Subalit sinabi ng mga kausap ko na dapat kusang lumayas na sa puwesto si Sagaysay bago ikumpas ni Po ang kamay na bakal laban sa kanya. Ayon sa kanila, ikinalat pala ni Sagaysay na namumugto ang mga mata ni Po sa  kaiiyak dahil sa iba at hindi siya ang napili ni Mayor Lim bilang MPD OIC nga. ‘Yan ay dalawang linggo bago ihirang ni Lim si Po bilang MPD OIC. At may P37,000 weekly pang dahilan kung bakit dapat lang masibak sa puwesto si Sagaysay. Sa paglilinis ni Po ng MPD, si Lim tiyak ang aani ng gantimpala, di ba mga kosa? Iboto si Lim! May karugtong!

vuukle comment

ARNEL FERRER

AYON

CHIEF INSP

ERAP

KA VER

LIM

MPD

SAGAYSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with