Lampong (263)
“ANO bang maganda para hindi makapasok ang sawa sa kulungan, Tanggol?†tanong ni Jinky.
“Kailangan malagyan po ng matibay na lambat ang palibot ng kulungan. Hindi makakadaan ang sawa dahil sa maliit na butas ng lambat. Kapag nagpumilit siya, pupulupot ang lambat sa kanya at mahihirapan nang makaalis.â€
“Ganoon ba?’’
“Iyon po ay suhestiyon ko lang, Mam Jinky.’’
Nakatingin nang matiim si Jinky kay Tanggol. Iniwasan namang makatinginan ni Tanggol si Jinky. Baka maÂhalata siya. Madaling makahalata si Jinky.
“Anong gagawin n’yo sa sawang iyan, Tanggol?â€
“Sabi po ni Mulong, daÂdalhin sa opisina ng DENR sa bayan. Bawal daw pong patayin iyan.’’
“Di ba patay na ’yan? Hindi na kumikilos ah.â€
“Buhay pa po. Akala ko nga pinatay na ni Mulong kagabi, hindi pala.â€
“Sige, bahala na kayo diyanÂ. Babalik na ako sa bahay. Salamat Tanggol.â€
“Kailan ka po babalik dito Mam Jinky?â€
“Bahala na, Tanggol. Sige maiwan ko na kayong dalawa ni Mulong.’’
Umalis na si Jinky. Tinanaw siya ng dalawa.
“Akala ko mahahalata ako Mulong. Kaya nga para hindi niya ako gaanong matanong e pinakita ko ang sawa. Para diyan mabaling ang atensiyon niya.’’
“Pero palagay ko, hindi ka nahahalata Tanggol.â€
“Kasi napapansin ko, nakatitig sa akin e.’’
Nagtawa si Mulong.
ILANG araw ang lumipas. Umaga. Nag-iisa sa kubo si Tanggol. Mayroong pinuntahan si Mulong. Nang biglang dumating si Jinky. May dalang mga itlog na nakalagay sa basket.
“Tanggol! Tanggol!â€
Lumabas si Tanggol.
“Bakit po Mam Jinky?â€
“Halika nga Tanggol at pakibilang mo ang mga itlog na ito. Punasan mo at ilagay mo sa mas malaking basket. Nakita ko ang mga itlog sa ilalim ng punong banaba.â€
“Opo Mam.’’
Inilagay ni Tanggol ang mga itlog sa mas malaking basket. Isa-isang pinunasan.
Hindi niya alam, pinagmamasdan siya ni Jinky. Nagtataka.
(Itutuloy)
- Latest