^

Punto Mo

Positive words

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NANAGINIP ang malupit na hari na natanggal ang lahat ng kanyang ngipin. Naniniwala ang hari na lahat ng panaginip ay may ibig sabihin. Kaya’t agad niyang ipinatawag ang dalawang mahusay na dream interpreter sa kanyang palasyo.

Paliwanag ng unang dream interpreter:

“Tsk! Tsk! Tsk! Masama ang ibig sabihin ng iyong panaginip mahal na hari. Mamamatay ang lahat ng iyong mahal sa buhay at ikaw lang ang matitira.”

“Tarantadong ito…tinatakot mo ba ako?” nanggagalaiting tanong ng hari.

“Aba hindi po, iyon lang talaga ang totoong interpretasyon sa iyong panaginip.”

“A, ganoon…mga sundalo, dalhin ninyo sa basement ang manlolokong ito at latiguhin ninyo ng 100 beses!”

Ipinatawag ng hari ng ikalawang dream interpreter. Paliwanag nito sa panaginip ng hari:

“Ang ibig sabihin ng iyong panaginip ay ikaw ang may pinakamahabang buhay kumpara sa iyong mga kamag-anak. Ikaw ang pinakamatibay sa buong angkan.”

Hanggang tenga ang ngiti ng hari sa narinig na interpretasyon. Kaya inutusan nito ang kanyang finance officer:

“Ilabas mo ang magagandang alahas na nakatago sa baul at hayaan siyang pumili ng gusto niya.”

Nang nakalayo na ang finance officer at ang dream interpreter ay hindi nakatiis na magsalita ang una:

“Pareho lang naman ang ibig sabihin  ng inyong interpretasyon noong naunang interpreter, bakit mas nagustuhan ng hari ang iyong sinabi?”

“Nasa paggamit lang iyan ng salita. Kapag ako’y nagpapaliwanag, sinisiguro ko na “positive words” ang aking ginagamit kagaya ng “mas mahaba ang kanyang buhay” upang mas maganda sa pandinig.”

HANGGANG

HARI

IKAW

ILABAS

IPINATAWAG

IYONG

KAPAG

KAYA

PALIWANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with