^

Punto Mo

EDITORYAL - Sa Jonas case: Tuparin ng AFP ang pangako

Pang-masa

SA darating na Abril 27 ay anim na taon nang nawawala ang activist na si Jonas Burgos. Puwersahang kinidnap si Jonas ng mga hinihinalang sundalo noong Abril 27, 2007 sa isang mall sa Commonwealth, Quezon City. Mula noon, wala nang balita kay Jonas. Ang kanyang ina na si Editha Burgos ay hindi tumitigil sa paghahanap sa anak. Hindi rin siya nagsasawa sa paghahanap ng ebidensiya para mapuwersa ang military na ilabas si Jonas. Noong nakaraang linggo, nagbaba ng ruling ang Court of Appeals (CA) na ang military ay may pananagutan sa puwersahang pagkawala ni Jonas. Makaraan iyon, nagpahayag si President Aquino na tututukan ang kaso ni Jonas at iba pang puwersahang dinukot ganundin ang mga desaparecidos.

Makaraang ibaba ang ruling ng CA, nangako mismo si AFP chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista kay Gng. Burgos, na makikipagtulungan ang military para makita ang anak nito. Ayon naman sa tagapagsalita ng AFP, gusto na rin nilang malinis ang kanilang imahe na matagal nang nakakaladkad sa pagkawala ni Jonas. Gusto na nilang matapos ito.

Ayon sa report, isang nagngangalang Maj. Harry Baliaga ang responsable umano sa pagkawala ni Jonas.

Sana’y totoo ang pangako ng AFP chief na makiki­pagtulungan sila para makita si Jonas. Kung hindi magkakaroon ng katuparan ang kanyang sinabi, lalo lamang kakapal ang dungis na nakakapit sa AFP. Bukod kay Jonas, puwersahan ding nawala ang dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sherilyn Cadapan. Nawala ang dalawa habang nagbibigay ng seminar sa mga magsasaka sa Hagonoy, Bulacan noong Hunyo 2006. Mga sundalo ng Army na nasa pamumuno umano ni ret. Army Gen. Jovito Palparan ang may kagagawan. Kinasuhan si Palparan pero nagtago na at hindi pa nahuhuli.

Inaasahan ang mabilis na paggalaw sa kaso ni Jonas at iba pang puwersahang dinukot. Tutukan at bilisan ang pag-iimbestiga sa mga kaso ng desaparecidos.

ABRIL

ARMY GEN

AYON

COURT OF APPEALS

EDITHA BURGOS

EMMANUEL BAUTISTA

HARRY BALIAGA

JONAS

JONAS BURGOS

JOVITO PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with