^

Punto Mo

Lampong (259)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAUSAP ni Jinky si Tina at nagtataka naman­ si Tanggol na noon ay nakasilip sa butas ng dingding. Hindi niya alam kung sino ang kausap ni Jinky.

Nang muli niyang tingnan si Jinky, nagpapaalam na ito kay Mulong. Mukhang nainip na si Jinky.

“Magpapaalam na ako Mulong. Babalik ako sa bahay dahil nalimutan ko ang mga bag na paglalagyan ko ng pinamili.’’

“Sige po Mam Jinky.”

“Sabihin mo sa kasamahan mong si Tanggol na babalik na lang ako sa isang araw. Gusto ko naman siyang makita at maipaabot ang aking pa­ngungumusta.”

“Sige po Mam. Sasabihin ko po kay Sir D… este Tanggol pala na dumating ka…’’

“Lagi kang nagkaka­mali sa pagtawag kay Tanggol. Akala ko ba ay matagal na kayong magkasama?”

“Opo Mam. Kinakabahan lang po Mam. Kasi’y nahihiya ako sa’yo dahil ang tagal ni Tanggol sa banyo…’’

“Ah okey lang yun. At saka wala akong magagawa kung nagpupururot si Tanggol. Di ba sabi mo e na­sobrahan sa itlog ng itik…”

“Opo Mam. Marami pong nakain na nilagang itlog.’’

“Sige Mulong, nice to meet you.”

“Salamat po Mam. Ingat ka po.”

Umalis na si Jinky. Mabilis na naglakad pabalik sa kanyang bahay para kunin ang mga bag.

Nang mawala sa pani­ngin si Mam, nagmama­daling pumasok sa bahay si Mulong.

“Kinabahan ako Tanggol. Akala ko maghihintay si Mam Jinky. Mabuti tinawagan ni Tina. Kung hindi, hihintayin ka. Sinabi ko kasi na nasa banyo ka at nagpupururot.’’

Nagtawa si Tanggol.

“Maaasahan ka talaga, Mulong. Ang husay mong magsinungaling.”

“Pero babalik daw siya dahil gusto kang  makita at makilala.’’

“Kailangan siguro ay magpatubo ako ng balbas at bigote, Mulong para hindi niya ako makilala.’’

“Mabuti pa nga. Huwag ka nang mag-ahit mula ngayon.”

“Mabilis namang tumubo ang bigote ko at balbas. Mas maganda kung mahaba ang balbas ko at bigote para hindi ako makilala ni Jinky.”

“Pero napakaganda pala at napaka-sexy sa malapitan ni Mam. Ma­mula-mula ang kutis.’’

“Nakakagigil ano Mulong? Kaya nga naiisip ko, huwag nang magbalatkayo at lumantad na.”

Nagtawa lang si Mulong­.

“Ituloy mo na Tanggol. Nasimulan mo na e.”

(Itutuloy)

AKO

JINKY

MABILIS

MAM

MAM JINKY

MULONG

OPO MAM

SHY

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with