EDITORYAL - Alisin, na ang ‘sedula’!
PINUNIT na nina Andres Bonifacio ang “sedula’’ noon pero hanggang ngayon ay narito pa at ipinipilit sa mamamayan kahit wala namang pakinabang. Gastos lang ang napapala ng gobyerno sa pag-imprenta ng mga walang silbing “sedulaâ€.
Ang “sedula†ay tinatawag ding Community Tax Certificate. Nakasaad dito ang pangalan, tirahan, petsa ng kapanganakan, hanapbuhay at kasarian ng indibidwal. Pati ang kinikita ay nakasaad din doon. Kailangan daw ito kapag magpapanotaryo at kapag nag-aaplay ng loan ang indibidwal.
Pero mahigpit ang pagtutol dito ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares. Ayon kay Henares, hindi na kailangan ang “sedula†sapagkat wala na itong halaga. Pagsasayang lamang ng pera ng bayan ang ginagastos sa pag-iimprenta ng mga “sedulaâ€. Gumagastos umano ang BIR sa pag-imprenta ng sedula pero walang bumabalik sa kanila. Hindi raw alam kung nakokolekta ng local government ang mga binabayad ng kumukuha ng “sedulaâ€. Sa isang radio interbyu, mariing sinabi ni Henares na pabor siyang alisin ang “sedulaâ€.
Sa mga naging commissioner ng BIR si Henares lamang ang matapang na nagsabi na alisin ang “sedulaÂâ€. Tama naman siya. Naniniwala kaming walang pakinabang sa kapiranggot na papel na ito at maaaring pinagmumulan ng corruption. Napakadaling i-fake ng “sedulaâ€. May nag-iisyu nito sa Quiapo underpass o sa Recto Avenue. Katawa-tawa ang gobyerno sa pag-iisyu nang walang silbing “sedulaâ€. Pinunit na ito noon kaya nararapat nang hindi ito ipilit sa mamamayan. Alisin na ang “sedulaâ€!
- Latest