‘Bald is beautiful’
NANINIWALA ang 27-anyos na entrepreneur na si Brandon Chicotsky na lahat ng mga nangyayari sa ating buhay ay may dahilan kaya nangyari iyon. Kaya kung ano ang ipinagkaloob ng Diyos ay tanggapin at isipin kung ano ang magagawang maganda at kapakinabangan doon.
Kagaya ni Brandon na maagang nakalbo. Bata pa siya nang mapansin na panipis nang panipis ang kanyang buhok. At mula noon nag-isip na siya nang magandang magagawa kaugnay sa kanyang pagkakalbo.
Hanggang sa maisip niya na bakit hindi niya gawing billboard ang kanyang kalbong ulo. Noong nakaraang taon, inilunsad ni Brandon ang kanyang unique service na tinawag niyang “Bald Logoâ€. Pinalagyan niya ng temporary tattoo ang kanyang ulo kung saan nag-aanyaya siya sa lahat na magpalagay doon ng advertisement. Bawat araw ay sisingilin niya ng $320 ang magpapa-advertise. Lilibutin niya ang buong Austin, Texas para ma-expose ang produktong naka-advertise.
At tagumpay ang ginawa ni Brandon sapagkat bumaha ang tawag na nais magpa-advertise sa kanyang “Bald Logoâ€.
Maraming nagpa-tattoo ng kanilang business at kinailangan nang kumuha si Brandon ng tatlong workers (pawang mga kalbo siyempre) para doon i-tattoo ang advertisement at ito ang mag-iikot sa Austin.
Nag-hire nang mahusay na tattoo artist si Brandon. Sinigurado niya na hindi mabubura ang tattoo sa buong araw na iginagala ito sa buong Austin. Anim na oras sa maghapon ang tinatagal ng mga nagla-lakad na kalbong staff niya.
Sa kasalukuyan, maraming nagnanais magpa-advertised at balak ni Brandon na kumuha pa ng “bald workersâ€. Malakas ang demand.
- Latest