^

Punto Mo

Lakas ng hangin

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

AYON umano sa isang pag-aaral ng isang grupo ng mga scientist na pinangungunahan ni Cristina Archer ng Stanford University (California, USA) at nalathala sa Jounal of Geophysical Research-Atmosphere,  umaabot sa 72 terawatts ng kuryente ang maaaring malikha mula sa enerhiyang nagmumula sa hangin.  Sapat na ang lakas na ito para makapagpasindi ng 1.2 trillion bilang ng 60-watts na bumbilya at makapagpaandar ng 48 bilyong toaster.  Bumbilya at toaster pa lang ito. Sabi pa ni Archer, isang malaking katangahan na kung hindi magagamit ang potensyal na ito ng hangin.  Sa pag-aaral na ito, may natukoy din na  8,000 lugar sa daigdig na may sapat na hanging makapagbibigay ng elektrisidad. Sapat na anila ang hanging nagmumula sa naturang mga lugar kasama ng 2.5 million wind turbines para masuplayan ang kuryenteng kinakailangan ng daigdig. Hindi nagbanggit ng pangalan ng kahit ilang pangalan ng naturang mga lugar ang ulat pero idiniin nila ang potensyal ng hangin na nagmumula sa mga ito.   Kinikilala naman nila na hindi tuloy-tuloy ang ihip ng hangin at hindi ito maia-adjust sa demand sa kuryente pero magandang panimula na ito.

• • • • • •

Hindi lang pala sa keso matakaw ang mga daga. Natatakam din sila sa tsokolate. Ito ang natuklasan ng mga scientist ng University of Warwick sa England kaya gumawa sila ng chocolate mousetrap. Hindi na kailangan dito ang pain, ayon kay Ricky Singh ng Innovation-Direct sa University of Warwick. Ang ineksperimento nilang mousetrap ay gawa sa isang espesyal na plastic na hinaluan ng chocolate extract. Sa mga ginawa nilang pagsubok,  kapansin-pansin umano na hindi maiwasan ng mga daga na hindi lumapit sa chocolate mousetrap dahil natatakam sila sa amoy tsokolate.

• • • • • •

Kakaunting asteroid lang ang maaaring sumalpok sa daigdig. Napaulat umano sa science journal na Nature ang resulta ng computer simulation at pag-aaral sa mga kaukulang datos na isinagawa nina Dr. Phil Bland ng Imperial College sa London at Natalia Artemieva ng Russian Academy of Sciences.  Tinataya nila na minsan lang tuwing ika-160,000 taon,  ang mga asteroid na may diameter na 200 meter (yards) ang sasalpok sa daigdig pero konti lang ang mga ito. Gayunman, hindi pa rin nawawala ang panganib sa daigdig ng mga higanteng bato na lumilibot sa kalawakan.

vuukle comment

CRISTINA ARCHER

DR. PHIL BLAND

IMPERIAL COLLEGE

UNIVERSITY OF WARWICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with