^

Punto Mo

Lampong (256)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKAHANDA sina Tanggol at Mulong sa anumang mangyayari sa gabing iyon. Nakakubli sila sa malaking haligi di-kalayuan sa mga itik. Mula roon, makikita nila kung may mga taong papasok sa gate. Sinadya nilang huwag itali ang pinto ng tarangkahan.

Pero sumapit ang alas- dose ng hatinggabi ay wala silang natatanaw na taong papasok o kaya’y umaaligid sa kulungan. May mga ilaw sa paligid ng kulungan ng mga itik. Mga ilawang de-gas na nakalagay sa mga biyas ng kawayan at nakatusok sa lupa. Hindi namamatay ang sindi sapagkat may tabing ang biyas.

“Wala ka bang naririnig na kaluskos o ingay kaya, Mulong?”

“Wala naman Tanggol.”

“Natunugan kaya tayo?”

“Posible, Tanggol.”

“Baka may nakapag-espiya at nalamang may nagbabantay na sa mga itik.”

“Maghihintay pa tayo. Kadalasang ang mga magna­nakaw ay sumasalakay sa pagitan ng alas-dos at alas-tres ng madaling-araw. ’Yan daw kasi ang himbing na himbing ang pagtulog.”

“Sige Tanggol, maghintay pa tayo.”

Pero inabot sila ng alas- kuwatro ng madaling-araw ay wala silang namataang magnanakaw. Hanggang mag-alas- singko at ganap na sumikat ang araw.

“Palagay ko, naamoy na may bantay na ang itikan kaya wala tayong nakita, Mulong.”

“Baka mamayang gabi sila sumalakay, Tanggol.’’

“Magbabantay uli tayo.”

“Sige.”

Nagpapahinga ang da­lawa dakong alas-diyes ng umaga nang may maramdamang mga yabag sa labas ng bahay-kubo si Mulong. Nang silipin niya sa bintana, nakita niya si Mam Jinky.

“Paparating si Mam Jinky, Tanggol!”

Bumangon si Tanggol at dumungaw sa bintana. Si Jinky nga!

(Itutuloy)

ALAS

MAM JINKY

MULONG

PERO

SI JINKY

SIGE TANGGOL

TANGGOL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with