Lampong (255)
NILAPITAN ni Tanggol ang isang pares ng sapatos na nasa kulungan ng mga itik. Rubber shoes. May bahid ng putik ang sapatos. Dinampot niya.
Sinuri. Bago pa iyon. KiÂlalang brand.
“Kanino kaya ito?â€
“Mukhang naiwan sa pagmamadali.â€
Nag-isip si Dick.
“Hindi kaya ang may-ari nito ang gumagawa ng kawalanghiyaan sa mga itik?â€
“Posible, Tanggol.â€
“Kaya narito ang sapatos ay dahil mayroon siyang inilalagay dito sa loob ng kulungan. MaÂaaring lason. At siguro kaya naiwan ang sapatos ay dahil may dumating na tao. Nagmamadali sa pag-alis.â€
“Tama ka Tanggol. May ginagawang masama ang may-ari ng sapatos kaya narito sa loob.’’
“Matibay na ebidensiya ito, Mulong.â€
“Itago natin, Tanggol.â€
Kinuha ni Mulong ang sapatos na hawak ni Tanggol. Sinuri. Tiningnan ang size
“Size 9.5. Wala pang gasgas. Bago pa ito Tanggol. Kabibili lang siguro. At mamahaling brand.â€
“Malalaman din natin kung sino ang may-ari niyanÂ,†sabi ni Tanggol.
Dinala nila sa kubo ang sapatos at itinago. May susi na sila kung paano mahuhuli ang mga pumapatay sa itik.
“Mamayang gabi, sa kulungan tayo magbabantay. Malakas ang kutob ko, baÂbalikan ng may-ari ang sapatos. Tiyak na kukunin nila sapagkat matibay na ebidensiya laban sa kanila.’’
“Ang husay mo TanggolÂ.â€
“Kaya mo bang tuÂmagal sa loob ng kulungan, MulongÂ?â€
“Oo naman.â€
“Hindi tayo titigil hangga’t hindi nahuÂhuli ang mga perwisyo sa itikanÂ.â€
“Aprub, Tanggol.â€
Kinagabihan, nasa loob ng kulungan ang dalawa. Nagkubli sila sa malaking haligi para hindi mapansin ng kung sinumang papasok sa kulungan.
Handang-handa na sila. Magkakasubukan kapag may pumasok. Hawak ni Tanggol ang dalawang yantok na pang-arnis. NakaÂhanda rin si Mulong. Wala nang atrasan ito.
(Itutuloy)
- Latest