^

Punto Mo

EDITORYAL- Paghandaan ang baha

Pang-masa

BAGO gunitain ang Semana Santa, sunud-sunod ang pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa mara-ming lugar sa Metro Manila. Kaunting ulan lang ay umaapaw na ang mga creek. Ibig sabihin, hindi pa ganap ang paglilinis ng MMDA sa mga daanan ng tubig — drainage, estero, kanal at iba pang daanan ng tubig. Kung ngayon, summer pa lang ay umuulan na at nagbabaha na, paano pa kung sumapit ang rainy season o panahon ng bagyo. Hindi malayo na maulit ang ‘‘Ondoy’’ noong 2009 at ang habagat na nanalasa noong nakaraang taon na bumaha sa Metro Manila.

Halimbawa ay ang nangyaring baha sa Bgy. Commonwealth, Quezon City, isang araw bago ang Lunes Santo. Umulan nang malakas at nagdulot ng baha sa nasabing lugar. Umabot hanggang four feet ang lalim ng tubig. Nasa 70 kabahayan ang apektado sa nasabing barangay. Nang mag-alas otso ng gabi, tumaas pa ang tubig kaya nagsilikas na ang mga residente. Karamihan sa kanila ay informal settlers.

Dahil sa biglang pag-ulan at marami ang nasorpresa. Maraming na-stranded. Nagkaroon ng grabeng trapik. Maraming naitalang aksidente dahil hindi makita ang kalsada. Bumaha rin agad sa España St., Dapitan, Laon-Laan, Blumentritt sa Maynila. Nagmistulang dagat na naman ang mga nabanggit na kalye kaya maraming sasakyan ang tumirik.

Nakapagtataka kung bakit bumaha sa napaka-ikling oras ng pag-ulan.

Laging sinasabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakahanda sila sa baha dahil lagi silang may de-clogging ng mga imburnal at iba pang daanan ng tubig. Kung lagi nilang nililinis ang mga bara sa drainage,  bakit bumabaha agad. Anong klaseng paglilinis ang kanilang ginawa?

Nararapat namang maging responsible ang mga nakatira sa tabing sapa o creek. Huwag magtapon ng basura sa creek. Ayon sa report, kaya nagbaha sa Bgy. Commonwealth ay dahil barado sa basura ang creek. At walang ibang nagtapon ng mga basura kundi ang mga residente mismo. Magkaroon ng disiplina. Tandaan na anumang itapon n’yo, babalik din sa inyo at mas marami pa!

vuukle comment

ANONG

BGY

LUNES SANTO

MARAMING

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with