^

Punto Mo

Natural na gamot

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Bad Breath

Magmumog ng kalamansi juice para mamatay ang bacteria na dahilan ng mabahong hininga. Tapos kumain ng plain unsweetened yogurt na nagtataglay ng lactobacillus bacteria. Ito ang good bacteria na papatay sa bad bacteria para taglayin ang fresh breath ng 12 to 24 hours.

Ito ang payo ni Dr. Mark Moyad, director of preventive and alternative medicine at the University of Michigan Medical Center.

Sore Throat

Magmumog nang dalawang beses isang araw ng solusyon na ito: 6 na butil na pinipit na bawang na inihalo sa isang basong maligamgam na tubig. Gawin ang ritwal na ito sa loob ng 3 araw. Ito ang payo ni Dr. Ronald Hoffman, awtor ng librong Alternative Cures That Really Work.

Paso

Pahiran ng aloe vera gel ang napasong balat. Nagpapa­ginhawa ito ng hapdi at naiiwasang lumobo ang balat. Mula sa librong sinulat ni Laurie Steelsmith, Natural Choices for Women’s Health.

Eczema

Ibabad ang paang may eczema sa maligamgam na tubig na may oatmeal ng 15 to 20 minutes. Ang oats ay may avenanthramides na nagpapaginhawa sa namamaga at nangangating balat. Mula sa libro ni Laurie Steelsmith.

 

ALTERNATIVE CURES THAT REALLY WORK

BAD BREATH

DR. MARK MOYAD

DR. RONALD HOFFMAN

LAURIE STEELSMITH

MAGMUMOG

MULA

NATURAL CHOICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with