^

Punto Mo

Tunay na pagmamahal

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

NGAYONG Semana Santa, pagnilayan at namnamin natin ang pagmamahal na mula sa Kanya. Alam n’yo kung papaano ako nakumbinse na mahal talaga ako ng Diyos? Kaya sigurado akong hindi niya ako pababayaan, at kung bakit pinagtitiwalaan kong tanging ang pinaka-mainam lamang ang Kanyang ha­hangaring mangyari sa akin?

John 3:16 “And God so loved the world that He gave his only begotten son…” Isipin mo. Sinong magulang ang kayang ipamigay ang kanyang anak, hayaang masaktan at alipustain para maisalba ang sangkatauhang makasalanan? Sino? Kaya mo ba mare, pare? Ako, hindi ko kayang ipamigay si Gummy, ano pa kaya kung para sa ibang tao. Hindi ka ba makukumbinsi na talagang ang pagmamahal ng Diyos sa ating mga makasalanan ay wagas? Kahit na hindi natin deserve ang ganito?

Ang pinaka-mahalagang utos ng Diyos ay mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Na mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa Diyos dahil ang pagmamahal sa Kanya ay maipakikita sa pamamagitan ng pagmamahal sa iba niyang nilikha. Gayundin ang isang napakahalagang utos niya ay ang pagpapatawad sa kaaway o nakasakit sa iyo -- mahalin pa ang mga ito sa halip ng ginawa nila sa iyo. Napakahirap ano? Sinaktan ka na at inalipusta pero kailangang mahalin pa sila.

Sinasabi ko sa inyo, hindi n’yo ito magagawa ng walang grasya mula sa Itaas. Kung ang susundin ninyo at gagawing basehan lagi ng pasya at galaw ay ang emosyon, marahil ay hindi darating ang araw na lumambot ang puso mo at mapatawad ang mga taong ito. Pero kung mapagkalooban ka ng tinatawag na “God’s Grace,” hindi mo mamamalayan at lumambot na ang puso mo sa mga taong ito at napatawad mo na sila. Hindi madali. Mistulang imposible. Pero sa Diyos, at sa tulong Niya, lahat posible.

Bukod sa pagpapatawad sa kapwa, ipagdasal din ang kapatawaran sa ating mga sarili. May ilan kasi sa atin na masyadong malupit sa sarili -- mga hindi makausad mula sa mga kamaliang nagawa nila sa nakaraan na pakiramdam nila ay minumulto pa rin sila hanggang ngayon. Forgive yourself. Kung ang Diyos ay marunong magpatawad, tayo pa kaya?

Magdasal at humingi ng tawad. Sa dami ng ating pagkakamali, akala natin, wala nang pag-asang patawarin pa tayo ng Diyos. Mali. Hinihintay lamang Niya tayong lumapit. Humingi ng tawad at gawin ang lahat nang makakaya para hindi na ito maulit.

Imbes na maglayas at magpakasaya, bakit hindi ka pu­mirmi kahit isang araw lang at damahin ang pagmamahal ng Diyos para sa iyo? Ibang klaseng enerhiya at pag-asa ang maidudulot nito sa iyong pagkatao.

Sundan ako: twitter at instagram: @abettinnacarlos // www.abettinnacarlos.wordpress.com

vuukle comment

DIYOS

KANYA

KAYA

NIYA

PAGMAMAHAL

PERO

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with