Tulay sa Turkey, ninakaw binenta sa junk shop!
NAGISING na lamang ang mga residente ng isang village sa Kocaeli, Turkey na wala na silang tulay na dadaanan para makatawid ng sapa.
Ang tulay na bakal na may habang 25 metro at 22 tonelada ay matagal nang ginagamit ng mga residente at napakahalaga para sa kanila para makarating sa taniman ng prutas na nasa kabilang pampang. Sa mga prutas at iba pang tanim sila umaasa ng ikabubuhay. Ngayong nawala ang tulay apektado ang kanilang pamumuhay.
Ayon sa mga awtoridad, ang tulay ay nilagari ng mga magnanakaw. Pinira-piraso at saka ikinarga sa isang truck. Siguradong ibebenta sa junk shop ang mga bakal.
Dismayado ang mga residente at hiniling nila sa pulisya na hanapin at panagutin ang mga magnanakaw ng tulay. Sabi ng residenteng si Mustafa Karakas, malaking problema sapagkat maghuhubad na naman sila ng sapatos at medyas at saka tatawid sa sapa.
* * *
Mga pesteng balang masarap papakin!
MAY solusyon na ang mga Israeli sa mga mapaminsalang balang. Huhulihin ang mga ito, iluluto at saka papapakin!
Sa Israel, grabeng makapaminsala sa pananim ang mga balang. Kapag dumapo ang mga ito sa taniman o kahit sa anumang halaman, uubusin ang mga ito at walang ititira. At ang mga Israeli ay namumroblema sapagkat wala silang makain o kung mayroon man, kinakapos sila.
Hanggang sa makaisip ng paraan ang mga Israelis: HinuÂhuli nila ang mga balang, iniluluto at kakainin.
Pakukuluan muna nila ang mga balang. Kapag luto na, pagugulungin nila sa arina na may coriander seeds, bawang, at chilli powder. Pagkatapos ay ipiprito sa napaka-init na mantika. Kailangan ay malutong na malutong ang balang.
Ayon sa mga nakakain na nang fried balang, mas masarap pa ito sa pritong manok at hipon.
- Latest