^

Punto Mo

Duwende (8)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

DALAWANG pack ng M&M’s ang aking inihanda at inilagay sa Tupperware na may takip. Ang isa ay inilagay ko sa ilalim ng puno ng langka para i-offer sa mga duwende. Ang isa ay ipinatong ko lang sa isang sulo ng aming bakuran. May takip ang ginamit kong Tupperware upang makaseguro na hindi ito magagapangan  ng insekto o mapapakialaman ng mga pusa o aso. Bakit ako naglagay ng M&M’s sa ikalawang Tupperware. Upang mapagkumpara ko kung ano ang nangyari sa ini-offer ko sa duwende at sa basta ko lang inilagay sa Tupperware under the same condition: Parehong nasa labas ng bahay ang Tupperware na may lamang M&M’s.

Kinabukasan ay binuksan ko ang dalawang Tupperware: Ang ini-offer ko sa duwende ay namuti ang lahat ng piraso ng M&M’s. Parang dinilaan ang bawat sugar coating hanggang sa matanggal ang colors. Hindi kinain ang chocolate. Walang nangyaring pagbabago sa mga M&M’s na nasa ikalawang Tupperware. Ang paliwanag ng beki, ganoon talaga ang mga duwende, tinitikman lang nila ang pagkain at hindi inuubos. Ipinakain namin sa aking ama ang natirang M&M’s dahil nakagagaling daw iyon ng sakit. May sakit na noon sa puso si Tatay. Nanatili pa rin yung sakit sa puso pero hindi kailanman siya nagkaroon ng alta presyon o iba pang sakit na laging kapartner ng sakit sa puso. Tumagal pa ng 10 years ang kanyang buhay. Ewan ko. Hindi ko masabi kung nakapagpagaling sa kanya ‘yung kinain niyang tira-tirahan ng duwende.

‘Yung pagtikim ay tanda na ikinagagalak nila ang pag-aabala kong bigyan sila ng pagkain. Signal na rin iyon na maaari ko nang hingin ko ang  tulong nila tungkol sa pangangalaga ng tanim naming lansones. Ang turo ng beki, kausapin ko sa isip ang babaeng dwarf na natapunan ko ng dumi at nagparusa sa akin. Mas mainam daw na iyon ang kaibiganin ko para may rapport na kami sa isa’t isa. At least daw, nabuksan na ang communication naming dalawa. Ilang beses din akong sumubok na makipag-communicate sa panaginip pero ako ay nabigo. Ngunit isang gabi ay nanaginip ako na may kausap ako pero hindi ko nakikita.  Pero sa isip ko ay alam kong dalaga siya na kasingtanda ko. Sinabi ng babae ang kanyang pangalan. Sinabi niya na may dalawa pa siyang kapatid na lalaking nakababata sa kanya at binanggit din ang pangalan. Paggising ko ay tinandaan ko ang kanilang pangalan. (Itutuloy)

vuukle comment

AMP

BAKIT

EWAN

ILANG

IPINAKAIN

ITUTULOY

SINABI

TUPPERWARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with