^

Punto Mo

Lampong (244)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALANG inaksayang panahon si Dick at mabilis na nakapagtago sa  ilalim ng dining table. May mahabang table cloth na kulay­ puti ang mesa kaya hindi makikita ang nasa ilalim. Hawak niya ang pinggan na may kanin at ulam nang magtago.

Nang silipin niya kung sino ang papalapit, si Jinky. Maluwang na t-shirt ang suot nito. Nagdaan sa harap  niya. Walang kamalay-malay na nasa ilalim siya ng mesa.

Tinungo ni Jinky ang refrigerator at kumuha ng tubig. Nagsalin sa baso. Uminom. Nagsalin pa. Matapos uminom ay ibinalik sa ref ang bote ng tubig.

Ang akala ni Dick ay aalis na si Jinky makaraang uminom. Hindi pala. Kumuha ng platito at binuksan muli ang ref. May kinuha roon. Himagas. Dinala sa dining table ang himagas. Binatak ang silya na nasa harapan ng nagtatagong si Dick at naupo roon.

Nakabukaka si Jinky nang maupo at sapol na sapol ni Dick ang nasa ilalim ng maluwang na t-shirt ni Jinky. Abot-kamay ni Dick ang “langit”. Kung gugustuhin ni Dick, maaari niyang abutin o dukutin ang “langit” pero nagtimpi siya. Huwag muna. Saka na lang ang pagdukot kapag tapos na ang problema. Nagkasya na lamang siya sa pagsipat sa nakatagong “langit”. Nalaman niya na may nunal pala sa singit si Jinky. Maitim na maitim. Parang pasas.

Maya-maya, tumayo na si Jinky. Ibinalik sa posisyon ang silya. Isinauli ang himagas sa ref. Muling kumuha ng tubig at uminom. Saka umalis na. Nakahinga nang maluwag si Dick. Nagbalik siya sa kuwarto. Kinain ang kinuhang kanin at ulam.

KINABUKASAN ng umaga, muli siyang kina­usap ni Tina. May pupuntahan na naman daw si Jinky at kailangang sundan na naman ni Dick.

“Balak ko, Tina mag-disguise kapag nagipit ako,” sabi niya.

“Dalahin mo po ang wig na ibinigay ko, Sir Dick. Tamang-tama po yon. Hindi ka makikilala.”

“Sige, Tina. Magwi-wig ako.”

(Itutuloy)

 

ABOT

BALAK

BINATAK

DICK

JINKY

NAGSALIN

SAKA

SIR DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with