Ang asawa ng serial killer (3)
HINDI kailanman naghinala si Linda Yates na isang serial killer ang kanyang asawang si Robert Yates. Sa loob ng 26 na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, wala siyang nahalata bagamat may hinala siya na meron itong kinahuhumalingang babae. Pero hindi naman niya binibigyang pansin ang problemang iyon dahil mahal niya si Robert at wala silang pag-aaway na mabigat. Ang mag-asawa ay naninirahan sa Spokane, Washington.
Hanggang matuklasan niya na serial killer nga ang asawa at 16 na tao na pala ang napapatay nito. Ang mga pinapatay ay inililibing sa kanilang bakuran. Nakita ng mga pulis ang mga bangkay at inaresto ang kanyang asawa.
Ayon kay Linda, una siyang naghinala nang makakita ng dugo sa upuan sa likod ng kanilang van. Nang tanungin niya si Robert, sinabi nitong nakasagasa siya ng aso. Isinakay niya ang aso at dinala sa veterinary. Naniwala naman agad si Linda.
Minsan daw, umuwi si Robert na maraming dumi sa katawan, pawis na pawis at may kakaibang amoy. Nang tanungin niya, galing daw sa “hunting tripsâ€. Nagtaka rin si Linda nang makita ang mga charges sa kanilang credit card statements: bayad sa Spa, bayad sa motel na may hot tubs. Nang tanungin niya si Robert sabi nito ay nagtungo siya sa Spa para ma-relax ang kanyang muscles. Naniwala naman si Linda.
Natuklasan din ni Linda ang maraming pornographic materials ni Robert at nagulat siya nang mahuli ito sa kanilang attic na naninilip sa kanilang kapibtahay habang nagtatalik. GuÂÂÂmawa ng butas sa attic si Robert paÂra lamang maÂniÂlip.
Hindi maÂkaÂÂpaniwala si Linda sa mga natuklasan. Pero nang tuÂmaÂgal, naÂtangÂgap din niya ang lahat. Serial killer nga ang kanyang asawa.
- Latest