EDITORYAL - Sa PNPA graduates: Huwag liliko ng landas
MADADAGDAGAN na naman ang mga pulis. Sa Marso 22, 2013 ay magtatapos ang 269 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapamagitan Class of 2013. Si President Aquino ang paÂnauhing tagapagsalita. Nanguna sa mga kadete si Jhon Felix Pascual, 22. Walang babaing kadete na napasama sa Top 10 hindi katulad noong nakaraang taon na isang babae ang topnotcher, si Marjorie Samson. Ang mga magtatapos na kadete ay may ranggong Inspector pagsapi nila sa Philippine National Police (PNP).
Magandang pagkakataon ito para sa mga magtaÂtapos na kadete na patunayan na kaya nilang baguhin ang masamang imahe na tinatamasa ngayon ng mga pulis. Mababa ang turing ng mamamayan sa mga pulis dahil na rin sa mga hindi magandang ginagawa ng mga pulis na may ranggong PO1, PO2 at PO3 bagamat mayroon din namang matataas ang ranggo na naliligaw din ng landas. Hinihila pababa ng mga bagitong pulis ang kanilang organisasyon at iniluÂlublob sa mabahong putik. Nakapanghihinayang ang ginagawa ng mga matitinong pulis na pinipilit isalba ang organisasyon subalit sa isang iglap ay sinisira lamang ng “scalawagsâ€.
Kamakailan, ipinag-utos ni President Aquino ang pagsasampa ng kaso sa mga pulis na sangkot sa Atimonan shooting. Kapag napatunayan na nagkasala, masisibak sila sa puwesto. Ayon naman sa hepe ng Philippine National Police, walang puwang ang orgaÂnisasyon sa mga gumagawa ng kabulastugan. Ganito rin naman ang sinabi ng hepe ng NCRPO. Sisibakin sa puwesto ang mga gagawa ng masama kasama ang mga nangongotong. Noong nakaraang taon, sinibak ang isang pulis na nangotong sa anak ng police general.
Ipakita ng mga bagong graduates ng PNPA na kakaiba sila. Ipangako nila na sa kanilang mag-uumpisa ang pagkinang muli ng uniporme ng PNP. Sila ang magpapabago sa masamang pagtingin ng mamamayan. Harinawa, sila na nga!
- Latest