^

Punto Mo

‘Droga sa tabing dagat’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SIGURADONG dagsa na naman ang mga tao ngayong paparating na panahon ng tag-init sa mga beach resorts upang mamasyal at magpalamig.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, sa mga ganitong lugar rin tulad na lamang sa mga kilalang resort  ng Boracay at Puerto Galera nagaganap ang bentahan at paggamit ng droga.

Naging paksa sa aking programa sa BITAG Live ang patuloy na pagbabantay ng Philippine Drug Enforcement Authority sa kalakalan ng droga sa mga probinsiya partikular na iyong mga nasa may tabing-dagat.

Noong nakaraang taon, isa ang Bgy. Paclasan sa Oriental Mindoro sa naging target na lokasyon ng PDEA. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga residente rito pero sa kabila nito may nakaambang panganib sa sinumang papasok.

Kilala ang Bgy. Paclasan na notoryus sa bentahan at lantarang pagpa-pot session ng mga parukyano ng iligal na droga. Bukod pa rito, talamak din ang gun running at gun for hire na iligal na negosyo ng mga residente sa liblib na lugar na ito.

Dahil nasa tabing-dagat, nagsisilbing transit point ng iligal na droga tulad ng shabu ang Bgy. Paclasan. Ibinibiyahe sa mga port mula sa Cavite, Batangas, at Manila ang mga ipinupuslit na droga na itinatago sa gulay at prutas patungong Bgy. Paclasan.

Dito inire-repack at itinitinda ang mga shabu sa iba’t ibang bahagi ng Roxas City at hilagang bahagi ng Oriental Mindoro.

Sa pamumuno ni noo’y Regional Director Lyndon Aspacio ng PDEA Region 4B, eksklusibong napili ang grupo ng BITAG upang mai-dokumento ang ikinasang paglusob sa Brgy. Paclasan na binansagang Oplan Riptide.

Panoorin mamayang gabi sa BITAG, alas-9:15 hanggang alas-10:00 ng umaga ang buong dokumentasyon sa Oplan Riptide ng PDEA Region 4B.

Subaybayan din ang BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10am-11am; Pinoy U.S. Cops – Ride Along tuwing Sabado sa PTV Channel 4, 8:30pm - 9:00pm.

Para sa inyong mga sumbong at tips magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

BGY

DRUG ENFORCEMENT AUTHORITY

KALAW HILLS

OPLAN RIPTIDE

ORIENTAL MINDORO

PACLASAN

PINOY U

PUERTO GALERA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with