Blood Type at Pagpapapayat
SA ilang dekadang pag-aaral tungkol sa relasyon ng ating kinakain sa ating blood type, nalaman ng mga researchers na sa isanlibong pagkain na sinaliksik nila, ang mga ito ay naglaÂlaman ng sustansiya na kung tawagin ay lectins, isang powerful protein. Ang lectins na ito ay puwedeng kapaki-pakinabang o perwisyo sa katawan depende sa blood type ng isang tao.
TYPE O
Kung ikaw ay Blood Type O, malaki ang tsansa na ang ninuno mo ay mga hunters na nabuhay sa meat-based diet. Ang inyong blood type diet ay nakadepende sa animal protein, prutas, nuts, wala o kaunting carbohydrates.
Guidelines sa Pagpapapayat:
1—Ang pagkaing makakatulong para magbawas ng timbang: red meat, seafood, seaweeds, spinach, broccoli.
2—Pagkaing dapat iwasan kung nagbabawas ng timbang: beans, lentils, corn, wheat, cabbage, cauliflower.
3—Suggestion kung kakain ka sa restaurant: Kumain sa steak house & salad bar, seafood, at Japanese cuisine. (Itutuloy)
- Latest