Lampong (233)
KALAHATING oras si Jinky sa bahay. Inorasan ni Dick kung gaano katagal si Jinky sa loob. Dalawang biscuit ang naubos niya sa paghihintay.
Inihatid si Jinky ng isang lalaki, mga 60-anyos siguro sa gate ng bahay. Nag-usap sandali at lumakad na si Jinky. Kumilos si Dick at palihim na sinundan si Jinky. Mabilis na naglakad si Jinky kaya binilisan din ni Dick. Baka mawala sa paningin niya. Marami nang bahay sa lugar.
Natanaw ni Dick na highway na pala ang tinutungo ni Jinky. Isang traysikel ang dumaan at pinara. Sumakay si Jinky.
Nagmamadali si Dick. Baka makalayo si Jinky at hindi na niya masundan.
Problema ang sasakyan niya. Walang gaanong saÂsakyan sa highway, bihira ang mga nagdadaang traysikel. Tinanaw niya ang sinakyan ni Jinky. Palayo nang palayo. Naidasal niya na sana ay may dumaang traysikel para mahabol niya si Jinky. Delikadong masundan siya ni Pac at Momong. Baka kung ano ang gawin. Ang lugar pa naman ay liblib.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang isang traysikel ang biglang pumarada sa harapan niya.
“Sir Dick!â€
“Mulo!â€
Si Mulo ay ang drayber na inarkila niya noon. Dininig ng Diyos ang dasal niya. Napaka-bilis sumagot ng Diyos. Iglap lang ay eto na.
“Sakay na Sir Dick!â€
Sumakay siya.
“Bakit narito ka Mulo?â€
“May inihatid po akong tao sa may ilog. Malapit lang dito. Tapos nakita kita na parang nag-iisip. Akala ko nga hindi ikaw, Sir Dick. Bakit ka po narito?â€
“Sinusundan ko si Jinky.â€
“Nasaan na po siya?â€
“Nakasakay sa traysikel. Sundan natin, Mulo. Delikado kasing makita siya ng mga taong galit sa kanya.â€
“Sige po.â€
Pinaharurot ni Mulo ang traysikel. Umatungal ang motor. Pero hindi na nila matanaw ang traysikel na sinakyan ni Jinky.
“Saan po bang kalsada nagtungo, Sir Dick?â€
“Deretso lang, Mulo.â€
“Mahaba po ang kalsadang ito. Ang dulo po nito ay patungong Socorro na.â€
Kinabahan si Dick. Hindi kaya kakutsaba ni Pac ang drayber na sinakyan ni Jinky?
“Sige Mulo deretso tayo! Hahanapin natin si Jinky!â€
(Itutuloy)
- Latest