^

Punto Mo

Bicol (1)

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

NITONG nagdaang linggo ay tumungo ang pamilya namin sa Legaspi Bicol para sa ikalawang taong kaarawan ni Gummy. Ipinangako ko sa anak ko na buhay at karanasan ang ipatatamasa ko sa kanya tuwing birthday niya at hindi puro party. Kaya ngayong second birthday niya ay pinag-ipunan ko talaga ang aming tatlong araw na bakasyon sa Misibis Bay sa Cagraray Island, Bicol.

 Pagdating namin doon ng Miyerkules, nilibot muna kami ng kaunti sa mga kilalang tourist spots sa Legaspi. Una naming binisita ang Lignon Hill na siyang pinakamataas na punto sa nasabing bayan kung saan tanaw mo ang Bulkang Mayon, pati na rin ang buong Legaspi, 360 degree view. Wow! Napaka-suwerte naming maaraw pagdating namin at nakita pa namin ang crater ng Mayon. Nakakamangha sa ganda at laki, at nakakatakot din kapag maiisip kung gaano ito kalakas bumuga ng apoy.

Matapos ay tumungo kami sa Cagsawa Ruins kung saan malalaking tipak ng mga bato ang makikita matapos matabunan ang naturang bayan ng lava noong 1814. Mahigit isang libo ang namatay. Ang naiwan na lamang ay ang bell tower ng simbahan. Nakaaaliw ang mga volunteer na naroroon na kumukuha ng mga litrato na may halong tricks. Kunwari ay may higante na singlaki ng tore at ang ibang mga kasamahan naman ay maliliit kunwari at takot sa higanteng ito. O kaya ay nakakalumbaba o tinutulak ang tore. Aliw! Doon na rin kami namili ng mga pasalubong - mga produktong gawa sa pili nuts, pati na rin hand bags at iba pang hinabing mga bagay. Napakaganda ng mga estilo at pulido ang pagkakagawa ng bags, pang-export ang kalidad!

Ang isa sa mga una naming hinanap paglapag ng Bicol ay mga authentic na Bikolanong putahe tulad ng laing at pinangat. Napakaaanghang talaga. Nagliyab ang mga dila namin. Ang panghimagas ay may sili rin! Ang tanyag na Chili Sili Ice Cream ng Bikol Blends Cafe. Matamis sa unang dapo sa dila tapos paglunok ay biglang hagod ang anghang. Pero may pambawi naman dahil mayroon ding local flavors na ginamit sa ice cream tulad ng pili, tinutong at malunggay. At siyempre ang paborito namin -- ang suman!

Hindi madali ang naging daan namin mula sa Legaspi patungo sa Misibis Bay. Akyat panaog kami sa zigzag na kalsada na para bang ilang bundok ang aming binagtas hanggang sa makarating kami sa paraiso. Habang daan ay itinuro rin sa amin ng drayber ang mga bundok na pinagmiminahan ng carbon at diyamante. Gusto kong makapunta roon! Pinagmamasdan ko ang ginawang kalsada. Biniyak ang bundok. Naisip ko, grabe ang makinarya, pagpaplano at paggawa nito. Gayundin, kung ano ang magiging epekto sa kalikasan sa kalaunan. Lalo na at maulan pa sa rehiyong ito. Napakahirap magpagawa ng bahay o gusali, ano pa kaya ng kalsada sa gitna ng bundok.

Masuwerte kami na mainit noong unang araw namin sa Misibis. Ang mga sumunod na araw hanggang sa aming pag-alis, walang tigil ang ulan. Pero siyempre, ang ulan nga raw ay blessings from above kaya wala kaming reklamo at na-enjoy pa rin ng mga bata ang activities sa resort.

BICOL

BIKOL BLENDS CAFE

BULKANG MAYON

CAGRARAY ISLAND

CAGSAWA RUINS

CHILI SILI ICE CREAM

LEGASPI

MISIBIS BAY

NAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with