^

Punto Mo

Pakikialam ni Roxas sa PNP

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

GUSTONG malaman ni Interior Sec. Mar Roxas kung saan napupunta ang budget ng PNP. Sa isang meeting kamakailan, inutusan ni Roxas ang mga opisyales ng PNP na maglista ng limang planong trabaho kada linggo at kung magkano ang ginastos nila para maatim ang adhikain nila. Lumalabas na hindi arok ni Roxas ang trabaho ng PNP na gusto niyang patakbuhin na parang private company o corporation. Maaring puwede itong nais ni Roxas sa mga unit tulad ng engineering, legal service, at Internal Affairs Service at iba pang opisina ng PNP na ang trabaho ay administrative works lang. Subalit sa kampanya laban sa kriminalidad o terrorista, walang kahihinatnan ang kagustuhan ni Roxas, di ba mga kosa?

Halimbawa, sa aspeto ng intelligence works, hindi ugma itong ninanais ni Roxas. Ang intelligence kasi mga kosa, ang trabaho ay kakalap ng mga impormasyon laban sa kalaban ng gobyerno, hindi lang sa bansa kundi maging sa ibang bansa, kaya malaki ang kanilang pondo. Kapag sinunod ng intelligence directorate itong kagustuhan ni Roxas, patay lahat ng kanilang magiging trabaho. Mabubuking ika nga ang mga plano nila, di ba mga kosa? Ang mga unit tulad ng AIDSOTF, HPG, CIDG at iba pa ay parehas din ang aabutin ng intelligence. Kasi may hawak din at sinusuwelduhang “assets” at ang mga accomplishments nila minsan ay halos taon ang bibilangin. Paano mo idedeklara ang gastusin ng mga opisinang ito?

Subalit ang tatamaang maigi sa bagong sistema ni Roxas ay ang CIDG na pinamumunuan ni Chief Supt. Frank Uyami. Humingi kasi ng P4 milyon na additional pondo si Uyami kay Roxas subalit mukhang matatagalan ang pag-release nito dahil sa bagong sistema ng huli. Nais malaman ni Roxas kung saan napunta ang halos P2.3 milyon ng CIDG sa ilalim ng liderato ni Uyami. Kapag hindi maayos kaagad ni Uyami ang kagustuhan ni Roxas e saan kukuha ng pondo ang CIDG e meron siyang pinapairal na “no take, no contact” policy sa illegal gambling. Matatandaan mga kosa na kaya maraming accomplishments ang CIDG sa nakaraan e dahil sagana sila sa pondo galing sa

  pasugalan. Paano ngayong idek­lara ng CIDG ang gastusin nila sa pagkain, at allowance ng kanilang mga operatiba? Isama na mga kosa ang suweldo ng mga assets o infiltrator nila sa mga organized criminal groups. At habang panay illegal gambling ang inaatupag ng CIDG, lalong nabawasan ang pulis sa kalye na makikipaglaban sa mga kriminal kaya hayun tumaas ang kriminalidad, di ba mga kosa?

Wala namang reklamo dito sa ginagawa ni Roxas na ini-interview muna ang lahat ng aplikante sa mga matataas na puwesto ng PNP dahil angkop ito para “the best and brigh-test” ang maupo. Subalit merong tayong opisyales ng PNP na magaling sa trabaho subalit mahina pagdating sa mga administratibong trabaho. Paano sila mapapuwesto Sec. Roxas Sir dahil tiyak bagsak sila sa interview mo? Maaring maganda ang nasa isipan ni Roxas, na isang US graduate, habang isinasagawa niya ang mga plano niya para sa PNP. Subalit habang tumatakbo ang mga araw, lumilitaw na hindi puwedeng patakbuhin ang PNP na parang private company o corporation. May malalaking accomplishments ba ang PNP mula nang makialam masyado si Roxas sa pamamalakad nito, lalo na sa laban vs. kriminalidad? Eh di wala, di ba mga kosa?

May karugtong!

 

CHIEF SUPT

CIDG

FRANK UYAMI

PAANO

PNP

ROXAS

SUBALIT

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with