EDITORYAL - Aktibista, tinapos ng bala
KAMAKAILAN lang ay sinabi ni President Noynoy Aquino na pabibilisin ang pag-iimbestiga sa mga biktima ng extrajudicial killing at mga puwersahang dinukot. Nangako rin siya na tututukan ang mga kaso ng pinaslang na mamamahayag.
Pero hindi pa nauumpisahan ang sinabi ng presidente at sariwa pa sa alaala nang marami ang kanyang binitawang salita, may nangyari na namang pagpatay at ang biktima ay isang aktibista. Tila ba nanghahamon ang mga gumawa ng pagpatay o maski ang “utak†sapagkat dinagdagan pa ang mga kaso ng pagpatay sa mga aktibista. Noong panahon ng rehimeng Marcos, ang mga aktibista ay isa-isang nawala. Parang bulang naglaho at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan. Maski ang bungo at kalansay nila ay hindi na nakita. Mayroon din namang mga aktibista na natagpuan sa talahiban na pawang butas ang dibdib at noo sa tama ng bala.
Matagal nang lumipas ang rehimeng nagdulot ng takot sa mga aktibista at kalaban ng pamahalaan, pero hanggang ngayon, meron pa ring nangyayaring pagpatay sa mga lider ng samahan. Ang anino ba ng Marcos years ay nagbabalik at nagsasabog ng lagim?
Isang babaing aktibista sa Davao Oriental ang pinagbabaril ng riding-in-tandem noong Lunes. Nakasakay sa kanyang motorsiklo si Cristina Jose, angkas ang kanyang anak at pamangkin nang pagbabarilin. Namatay noon din si Jose dahil sa mga tama ng bala.
Si Jose ang tinuturong lider ng grupong nag-ransacked sa opisina ng DSWD sa Davao City noong nakaraang linggo at hinakot ang mga relief goods. Umano’y nagalit ang grupo sa mga opisyal ng DSWD dahil mabagal ang pagdi-distribute ng relief goods. Gutom na gutom na umano ang grupo. Karamihan sa kanila ay mga biktima ng bagyong “Pabloâ€.
Pinaghihinalaan naman na ang grupo ni Jose ay sinulsulan ng “maka-kaliwang militanteâ€.
Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang pumatay. Pinaghihinalaan na pinatay si Jose ng mga sundalo. Tinanggi ng military ang akusasyon. Kaibigan daw nila si Jose.
Sino nga ba ang aamin? Tiyak na ang pagpatay kay Jose ay mapapabilang sa kaso na hindi na malulutas. Hindi na makakaasa ng hustisya ang kanyang mga kaanak. Ito ay sa kabila na may pangako ang pamahalaan na lulutasin ang mga kaso ng extrajudicial killings.
- Latest