^

Punto Mo

94 Kilos ng caterpillars, natagpuan sa luggage ng lalaki; pagkain daw niya ang mga iyon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GULAT na gulat ang mga Customs officials sa Gatwick airport, United Kingdom nang makita nila sa luggage ng isang 22-anyos na lalaki mula sa Burkina Faso ang napaka-raming dried caterpillars. Nang timbangin ang luggage na may caterpillars, 94 kilos iyon.

Nang tanungin ang lalaki kung bakit napakaraming caterpillars sa kanyang luggage, sinabi nitong iyon ay kanyang pagkain. Para sa personal consumption ang mga iyon.

Napailing-iling ang Customs officials. Kinumpiska nila ang mga tuyong caterpillars at ipinaalala sa lalaki na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala o pagpapasok sa UK ng mga produktong karne, isda, itlog, honey at caterpillars.

Samantala, isang restaurant naman sa Paris, France ang ipinasara kamakailan makaraang mahuli na nagluluto ng caterpillars.

Nagsasagawa ng routine check ang mga awtoridad sa mga restaurant sa Paris na nag-ooperate na walang lisensiya nang madiskubre nila sa kusina ang kalderong punumpuno ng caterpillars.

Ang caterpillars ay sikat na pagkain sa Africa. Ito ay ma-protinang pagkain. Pinakukuluan umano sa tubig na may asin ang caterpillars at kapag luto na saka ipiprito nang malutong na malutong.

vuukle comment

BURKINA FASO

CATERPILLARS

KINUMPISKA

NAGSASAGAWA

NANG

NAPAILING

PINAKUKULUAN

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with