^

Punto Mo

Kung gusto maraming paraan (1)

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

NAGKAROON ako ng pribilehiyong magtalumpati sa Unibersidad ng Pilipinas noong nagdaang linggo. Narito ang aking talumpati tungkol sa aking karera at kung paano magtagumpay sa nais pasukin sa buhay.

 â€œKung gusto, maraming paraan… Ito ang lagi kong sagot sa tuwing tinatanong ako kung papaano ko nagagawa ang lahat ng aking ginagawa. Sampung taon na ako sa industriya ng show business. Isang dekada na akong umaarte buhat ng magsimula ako sa GMA 7. Anim na taon nang naghohost at anim na taon na rin ngayong Marso sa pagsusulat ng regular na column kong Wanna Bet sa Pang-Masa.

“Ang lahat  ng ito ay ginagawa ko habang nagsisilbing full time Mom sa aking dalawang taong gulang na anak na si Gummy. At kapag hindi ako nagti-taping at gumaganap bilang Tiya Madel sa Number 1 Primetime Teleserye ng GMA 7 na Temptation of Wife, ako ay isang panadera ng aking isa’t kalahating taong negosyong nakabase sa aming tahanan, ang Baked Bites by ABC.

“Nasa ikalawang baitang ako sa high school sa UPIS ng pasukin ko ang pag-arte. Magulang ko ang nagkumbinse sa akin. Kesyo isang beses isang linggo lang naman. Tuwing Sabado lang naman… Pumayag na rin ako basta lamang hindi magagalaw ang aking pag-aaral at paglalaro ng volleyball - ang tanging pinagkakaabalahan ko noong estudyante pa ako. Di naglaon, nagustuhan ko ang pag-arte. May mga pagkakataong noong mula sa taping ay diretso ako sa eskwela at paminsan pa nga ay sige sa isa pang trabaho. Uuwi akong puyat pero masaya. Ganoon pala ang pakiramdam kapag gusto mo ang ginagawa mo. Hindi mo iindahin ang lahat ng pagod

 at hirap. Dahil basta gusto mo, magagawan ng paraan.

“Kung ano ang nadama ko, sampung taon na ang nakalipas, sa aking eskwela at pagtatrabaho ay pareho sa aking nararamdaman ngayon sa aking karera bilang artista at sa aking munting kabuhayan. Ngunit imbis na diretso sa paaralan mula sa tapings, ngayon naman ay diretso kusina mula sa puyatan. Paminsan kahit naka-make up pa, bake kaagad. Pagka-bake, linis pa, tapos empake at deliver. Pagkatapos nito ay may kakaharapin pa akong bulinggit at nanay naman ako. From panadera to nanay. Ganoon ko kamahal ang ginagawa ko. Dahil gusto ko, nagagawan ko ng paraan.

“Ang aking pagbi-bake ay nagsimula lamang bilang isang libangan. Pangarap ko kasi talaga ang makagawa ng pandesal mula sa harina. At dahil matagumpay ang aking unang subok, naengganyo na ako at nagsunod-sunod na. Inisa-isa ko ang lahat ng recipes na nilalaman ng baking book ko. Ngunit noong Setyembre 2011 ko lang napagpasya-hang gawing negosyo ang aking hobby.

“Tulad nang maraming negosyo, nagsimula ang akin dahil sa isang pangangailangan - hindi sa merkado kundi personal. Anim na buwan na si Gummy noon at hindi ko sigurado kung kailan ako makakabalik sa pag-arte kaya naisip kong kailangan kong magnegosyo upang magkaroon ng ikabubuhay. Ang inipon ko ay hindi naman tutubo ng malaki kaya kailangang maghanap ng paraan upang palaguin ang pera. Negosyo para hawak ko ang oras ko at para nasa bahay lang - dahil hindi ko pa kayang mawalay kay Gummy sa mga panahong iyon at dahil exclusively breastfed siya. Dahil sa pangangailangang iyon ay isinilang ang Baked Bites by ABC.

vuukle comment

AKING

AKO

BAKED BITES

DAHIL

GANOON

NGUNIT

PRIMETIME TELESERYE

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with