‘Pampasadang bus’
ITINUTURING na hari ng kalsada ang mga bus na pumaÂpasada sa mga pangunahing kalsada sa bansa lalo na sa EDSA. Sa paglipas ng panahon, tila mga kabuteng nagsulputan at biglang umakyat ang bilang ng mga naglalakihang bus na kung umasta ay daig pa ang mga siga sa daan.
Ang mga bus na ito, basta na lamang humihinto sa gitna ng daan para magbaba at magsakay ng pasahero. Batid ng lahat ang paulit-ulit na krimen sa mga commuters na nagaganap sa loob mismo ng mga bus.
Hindi na bago sa BITAG ang maka-engkuwentro ng mga reklamo mula sa aming textline tungkol sa mga talamak na pandurukot sa mga bus. Estilo ng mga kawatan na magpalipat-lipat ng sinasakyang bus at makipagsiksikan upang makasalisi ng pagnanakaw ng hindi namamalayan ng kanilang target na biktima. Bukod dito, hindi na rin mabilang ang mga aksidente sa daan na kinasasangkutan ng mga pabaya at kaskaserong drayber ng mga bus
Karamihan sa mga drayber na ito, hindi man lamang dumaan sa tamang proseso ng pagsasanay sa pagiging isang disiplinadong drayber. Kung hindi ang drayber, karaniwang ang palyadong makina ng mga bulok na bus ang sinisisi na patuloy na ipinapasada sa kabila ng panganib na nakaambang para sa mga sumasakay dito. Sa kabila ng ga-higanteng laki ng mga bus, makipaggitgitan at sumingit-singit sa mga mas maliliit na sasakyan sa kalsada.
Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit sila ang laging napagbubuntunan ng sisi ng mga Pinoy sa pagkakaroon nang matinding trapiko sa daan. Nitong nakaraang araw, naging laman ng mga balita ang pagpapa- phase out ng LTFRB sa mga bus na umabot na sa 15 taon. Mismong ang LTFRB na ang nagsabi na sa sandaling mabawasan ang mga pumapasadang bus sa kalsada hanggang sa buwan ng Hunyo ngayong taon, siguradong magiging maluwag na ang mga pangunahing kalsada at daan. Kaugnay dito, ang pagbaba ng bilang ng mga krimen at aksidente na sangkot ang mga naglalakihang bus sa bansa.
Subaybayan ang Pinoy U.S. Cops-Ride Along at BITAG tuwing Sabado sa PTV Channel 4, 8:30 p.m. hanggang 9:15 p.m. Araw-araw na panoorin ang BITAG Live na sabay na mapapanood sa Aksiyon TV Channel 41 at mapaÂpakinggan sa Radyo 5 92.3fm, araw-araw, 10:00 a.m. hanggang 11:00 a.m.
Para sa inyong mga sumbong at tips magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
- Latest