^

Punto Mo

Postnasal drip: Plema sa lalamunan

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

MARAMI ang maaaring nagtataka kung bakit kahit wala naman tayong sipon ay parang may pesteng “ehem” sa ating lalamunan. Madalas, kung ka­ilan tayo magsasalita at saka pa parang nahihirinan tayo sa waring sipon na naka­bara sa lalamunan. Kakailanga­nin pang i-clear ang ating lalamunan sa pamamagitan nang pag-ehem-ehem.

Ito ay sapagkat sadya namang nagpupundar ng mucus ang ating katawan. Sinasabing baka may isang litro ng mucus ang ipinupundar ng ating ilong at mga sinuses (air spaces sa ating mukha) sa araw-araw.  Ang mucus na ito ay napupunta sa dakong lalamunan nang hindi natin namamalayan sapagkat maninipis lang ito.

May dahilan kung bakit inilagay ng Diyos ang mga mucus sa lalamunan. Ito ay para proteksyunan ang ating baga sa pamamagitan ng pagpapainit sa hangin na ating nilalanghap. Hinuhuli rin nito ang mga alikabok at iba pang bagay na ating nalalanghap. At dahil wala tayong malay sa nagaganap na prosesong ito, nalulunok lang natin ang mucus na ito, kasama na ang iba pang bagay na humalo rito. Ngunit kahit malunok pa natin ito, wala namang kaso. Wala itong idudulot na sakit.

Kapag madalas magkaroon ng allergy (gaya ng allergic rhinitis­), madaling mairita ang loob ng ilong ng kung anu-anong bagay gaya ng usok ng sigarilyo, alikabok, o pollen mula sa puno, ang bunga nito ay ang pagkakaroon ng mas maraming extra mucus. Nagkaroon nito para tanggalin ang mga pesteng irritants na nalanghap, ang nagiging sanhi ng tinatawag na “postnasal drip” kaya nagkakaroon ng pag-ehem. Pakiwari kasi natin ay may nakabarang mucus sa dakong lalamunan. Nakakairita.

Kapag sinuri naming mga doctor ang lalamunan ng taong laging parang sinisipon sanhi ng allergy, nakakakita kami ng deposito ng mas makapal na mucus na nakakapit sa lalamunan. Wari mo’y tumpok ito ng sipon na nakabitin doon. Ito yung “postnasal drip.” Ito ’yung gusto nating idahak.

Nagiging conscious lamang tayo sa mucus na nasa ilong at lalamunan kapag tuyung-tuyo ang nalalanghap na hangin. Lumalapot kasi ang naturang mucus; nagiging mahirap idahak.

Ano ang mga gagawin? Panipisin ang mga naturang mucus sa pamamagitan ng sumusunod: 1) Uminom nang maraming tubig. 2) Magmumog ng maligamgam na tubig na may konting asin tatlong beses maghapon. 3) Kung may nebulizer sa bahay, makakabuti ang paglanghap dito. 4) Paggamit ng nasal spray na may taglay na steroid.

ANO

ATING

DIYOS

HINUHULI

KAPAG

LALAMUNAN

MUCUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with