^

Punto Mo

Coffee Bean

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG anak ang umiiyak na nagbuhos ng kanyang mga problema sa kanyang ina. Hindi na raw niya makaya ang mga problemang dumarating sa kanyang buhay. Sampung taon silang nagsama ng kanyang asawa ngunit iniwan siya nito dahil may iba na itong mahal. Hindi sila sinuwerteng magkaanak dahil may diperensiya ang kanyang matres. Ang babaeng ipinalit sa kanya ay manganganak na kaya nagpasya ang mister na ito na ang pakisamahan at tuluyang makipaghiwalay sa kanya.

Hinimas-himas ng ina ang likod ng umiiyak na anak na para bang magdudulot ito ng kahit kaunting pagluwag ng dibdib. Maya-maya ay walang imik itong nagsalang ng tatlong kalderong may tubig  sa kalan. Nang kumukulo na ay isa-isang inilagay ang carrot, itlog at coffee bean. Pagkaraan ng 10 minuto ay inilipat ang tatlong pinakuluan sa pinggan.

Anak, tingnan mo itong carrot, kanina ay matigas pero lumambot na ngayon. Ang itlog ay naging hard boiled egg. Ang coffee bean ay nanatiling matigas at pinabango pa nito ang tubig na pinagpakuluan.

Ma, ano po ang gusto mong ipaliwanag sa akin tungkol diyan?

Ang carrot, itlog at coffee bean ay maihahalintulad sa iba’t ibang klase ng tao na dumaan sa mga  problema. Ang tubig na kumukulo ang simbolo ng problema. Ang carrot na lumambot matapos pakuluan ay kagaya ng mga taong nawalan ng tiwala sa sarili at pag-asa dahil sa problemang pinagdaanan. Ang itlog ay parang mga taong naging matigas ang pagkatao, to the point na tumigas na parang bato ang kanyang puso pagkatapos maranasan ang paghihirap sa buhay. Ang coffee bean, anak, ang gusto kong tularan mo. Hindi ito lumambot kahit pinakuluan at nagbigay pa ito ng flavour at aroma sa tubig. Sana ay maging daan ng pag-unlad ng iyong pagkatao ang masakit na nangyari sa iyo. Huwag kang mag-alala, ang iyong Papa at ako laging nasa likod mo.

ANAK

BEAN

HINIMAS

HUWAG

KANYANG

NANG

PAGKARAAN

SAMPUNG

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with