^

Punto Mo

Lampong (220)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG beses na rin na nakita ni Dick na walang saplot si Jinky. Una ay noong estudyante pa lamang ito. Naliligo rin sa banyo. Mayroong ipinakiusap sa kanya.  Ipinaabot ang tuwalya. Pag-abot niya ng tuwalya ay biglang humarap si Jinky at nakita niya ang ang­king kagandahan. Pero hindi niya sinamantala ang pagkaka­taon dahil nga ang auntie nito ay karelasyon niya na walang iba kundi ang taksil na si Puri.

Sumunod na nakita niya ang angking kagandahan ni Jinky ay nang makituloy ito sa kanyang apartment. Pero hindi rin niya sinamantala ang pagkakataon. Nagpigil siya. Alam niya na masama ang mangyayari kapag pinatulan niya si Jinky. Si Jinky ng mga panahong iyon ay wala pang direksiyon ang buhay. At isa pa, naimplu­wensiyahan ng kanyang auntie­. Hindi maganda ang ipinakita ni Puri kay Jinky noon.

Pero ngayon, kakaibang Jinky ang nakita niya. Matured at responsible na babae. Mayroong direksiyon sa buhay. Kagalang-galang. Masarap mahalin. At masarap paka­salan. Masarap ding maging ina nang magiging anak.

Pero sa pagkakatingin ni Dick ngayon kay Jinky habang basa ang katawan at may maliliit na bula ng sabon sa katawan, mas maganda ito. Firm na firm ang katawan. Ang hubog ng katawan ay perpekto. Mayayabang ang pagkakatindig ng dalawang malaking bundok. Flat na flat ang sikmura. Napaka-kinis ng balat ni Jinky. Kahit pa na­aarawan sa pag-aasikaso ng itikan ay napanatili ang kaakit-akit na kutis.

Matagal maligo si Jinky. Sinisigurong malinis na malinis ang katawan. Dalawang beses nagsabon. Banlaw uli. Hanggang sa magpasyang tapusin ang paliligo. Itinakip sa katawan ang malapad na tuwalya. Lumabas ng banyo.

Si Dick ay nanatiling naka­tingkayad. Napabuntung­hi­ni­nga nang malalim. Lalo niyang minahal si Jinky.

Bumaba siya sa pagkakatingkayad. Nahiga siya. Ano kaya at lumantad na siya? Nahihirapan na siya. Gusto na niyang makapiling si Jinky. Matapos niyang makita ang kariktan ni Jinky, parang hindi na siya tatagal pa sa pagkukubli. At saka para ano ba ang pagtatago niya? Nakita na naman niya ang magandang pagbabago sa buhay ni Jinky. Maipagmamalaki na niya ito.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig ng usapan sa labas. Dali-dali siyang bumangon at sumilip sa pinto.

Si Jinky at Tina ang nag-uusap. Parang may problemang sinasabi si Tina kay Jinky.

Pinakinggan niya ang pag-uusap ng dalawa.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

JINKY

MASARAP

MAYROONG

NIYA

PERO

SHY

SI DICK

SI JINKY

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with