Editoryal - ‘Home along da river’ dami na naman!
NAMUMUTIKTIK na naman ang mga barung-barong sa gilid ng mga ilog at estero sa Metro Manila. Nagtayo na naman ng panibagong tirahan at tiyak na problema na naman sila sa panahon ng tag-ulan. Ang mga naninirahan na naman sa mga gilid ng sapa ang unang sasagasaan ng baha. Mauulit na naman ang nangyari noong “Ondoy†at nang manalasa ang habagat noong nakaraang taon.
Nasaan na ang sinabi ng gobyerno na sisimulan na ang paglilinis sa waterways o daanan ng tubig sa Metro Manila. Aalisin at ililipat daw ang squatters sa isang ligtas na lugar. Pero pitong buwan na ang nakararaan, wala pang pagbabago sa mga naninirahan sa tabing pampang. Ano na ang nangyari sa plano.
Inaprubahan noong nakaraang taon ni President Aquino ang P351-billion flood control project. Ito raw ang solusyon sa baha. Sa inaprubahang flood control project, 11 infrastructurers ang nasa master plan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang DPWH ang mangangasiwa sa proyekto na kinabibilangan ng drainage improvement sa Maynila, at improvement ng mga ilog at floodway sa Cainta, Taytay, Manggahan, Malabon, Tullahan, Valenzuela, Meycauayan at Obando. Ii-improve rin ang Laguna Lake at ang mga ilog sa Parañaque at Las Piñas. Hindi kaya abutan na naman ng habagat o bagyo ang mga nasa tabing ilog? Hindi kaya lalo pang dumagsa ang squatters dahil sa bagal ng implementasyon ng isasagawang proyekto?
Ang mga nakatira sa waterways ang nagpaparumi sa ilog. Ang kanilang mga basura ay sa mismong ilog o sapa o kanal, tinatapon. Pati ang kanilang mga dumi ay siyut na lang ng siyut sa ilog. Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi malutas ang pagbaha sa Metro Manila.
Ipatupad na ng Aquino administration ang planong paglilikas sa mga “home along da river.â€
- Latest